Takot mabuwag ang loveteam, Liza Soberano pinagbawalan noon si Quen mapareha kay Kathryn Bernardo?

Takot mabuwag ang loveteam, Liza Soberano pinagbawalan noon si Quen mapareha kay Kathryn Bernardo?

Takot mabuwag ang loveteam, Liza Soberano pinagbawalan noon si Quen mapareha kay Kathryn Bernardo?
- Usap-usapan muli ngayon ang panibagong hirit ni Liza na ngayon ay Hope Soberano na

- Sa latest vlog ng Kapamilya turned Kapuso actress na si Bea Alonzo ay naging guest niya si Liza/Hope

- Ibinunyag dito ni Liza na feeling niya ay nakahon siya ngunit siya yata ang dahilan?

Usap-usapan muli ngayon ng netizens ang patungkol sa latest chika ni Liza, ngayon ay Hope Soberano na, patungkol pa rin sa hinihirit niyang nakulong umano siya sa career na puno ng loveteam.

Sa latest YouTube vlog ng Kapamilya turned Kapuso actress na si Bea Alonzo ay naging guest niya ang alaga no James Reid na si Liza/Hope Soberano.

Sa segment na Lie Detector test kung saan aalamin ni Bea Alonzo kung nagsasabi ba ng totoo o nagsisinungaling si Liza/Hope sa mga sagot nito sa tanong niya.

Sa tanong na kung na feel ba nito na nakahon siya o ang career niya dahil sa loveteam ay mabilis na 'Oo' ang sinagot niya kung saan sumang-ayon din naman ang lie detector test sa kaniya.

Dahil dito ay ikinuwento niya ang pangyayari sa likod ng pelikulang 'Hello Love Goodbye', ang kasalukuyang highest grossing Filipino film of All-time, kung saan ibinunyag niya na sa kanila umano ni Enrique unang inoffer ang pelikula.

Hindi ito natanggap ng dalawa dahil sa panahong iyon ay ibinigay na sa kaniya ang pelikulang Darna, na sa kaparehong taon ng paglabas ng Hello Love Goodbye ay kumalas na rin siya, at bigating serye na Bagani.

Sa gitna umano ng paggawa nila ng Bagani ay nalaman ni Liza na ini o offer na ang pelikula kay Enrique kung saan sana ay makaka-tambal niya si Kathryn Bernardo.

"They we're offering it to Quen still but with Kathryn, and I was scared like Bagani and then when I do Darna wala na yung LizQuen, for me I didn't wanna do that to fans (na mawala ang LizQuen) but also Quen was my comfort zone, It was until I realized na 'Oh my God' ang dami kong di nagawa sa career ko and that's why everybody i think takes for granted my talent or acting capabilities because they always see me in a loveteam," kwento ni Liza.

Dahil sa pangyayari, pinagtatakahan tuloy ng netizens kung sino nga ba talaga ang nagkahon kay Liza sa loveteam, ang ABS-CBN management ba o siya na pinipigilang mabuwag noon ang loveteam nila ni Enrique Gil?