Tignan: Dream House na ipinapatayo ni Kathryn Bernardo ipinasilip nito!

Tignan: Dream House na ipinapatayo ni Kathryn Bernardo ipinasilip nito!

Tignan: Dream House na ipinapatayo ni Kathryn Bernardo ipinasilip nito!
- Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ng Movie Queen Kathryn Bernardo ang Dream House nito

- Makikita sa mga litratong ibinahagi niya ang kakasimula pa lamang na bahay niya

- Kasama ang kaniyang ina at pamangkin ay nag pose pa ang mga ito at sa likuran nga ang kanilang ipinapatayong bahay

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi ng Movie Queen at kapareha ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo ang mga litrato ng kaniyang ipinatatayong Dream House.

Makikita sa mga litrato na kasama pa niya ang inang si Mommy Min at pamangkin nitong si Lhexine na naka pose pa at masaya habang ang background nila ang sinisimulang bahay.

(Swipe Left for more)


“Slowly getting there. I can’t believe it’s finally happening!” caption pa ni Kath sa kaniyang post.

Matatandaang noong March 2020 na isiniwalat ni Kathryn ang pagpapatayo niya ng kaniyang Dream House kung saan tatlong taon din niyang plinano.

“March 9, 2020. Day 1. Groundbreaking of our new home. The construction of our dream home has officially begun. I still can’t believe it’s finally happening after 3 years of planning!” ani nito.