Ogie Diaz nanghihinayang sa nangyayari kay Liza?: "Ano nang ginagawa ni Liza sa sarili niya?"

Ogie Diaz nanghihinayang sa nangyayari kay Liza?: "Ano nang ginagawa ni Liza sa sarili niya?"

Ogie Diaz nanghihinayang sa nangyayari kay Liza?: "Ano nang ginagawa ni Liza sa sarili niya?"
- Sa kaniyang showbiz update vlog ay may ipinagtapat ang showbiz manager na si Ogie Diaz

- Dito ay ibinahagi niya ang mga nasasabi ng netizens patungkol kay Liza Soberano

- Kaakibat na rin nito ang tapat na saloobin at panghihinayang niya sa career ni Liza

Sa latest YouTube vlog Showbiz update ng sikat na showbiz manager na si Ogie Diaz ay napag-usapan nito kasama ng mga kaibigan ang patungkol sa karerang tinatahak ngayon ni Liza Soberano.

Nagsimula ang lahat matapos na mapasok ang insidenteng nangyari sa Instagram account ni Liza matapos na tila ma hack umano ito.

Dito ay isiniwalat niya (Ogie) na ang nakarating na balita sa kaniya ay hindi totoong na hack ang account, kundi nilinis lamang.

“Ang nakarating sa atin ay hindi naman talaga na-hack ang YouTube at IG ni Liza Soberano. Parang nilinis lang. Definitely, ‘yung pina-follow niya, nawala nang lahat pero siguro ‘yung posts naka-hide na o tinanggal na niya, hindi natin alam,” saad ni Ogie.

Nagbalik na nga ang IG account ni Liza matapos ang pag po post niya ng ilang litrato niya kaalibat ang tila'y lyrics mula sa isang kanta, na siyang patunay umano ayon kay Ogie na sign bilang 'bagong simula' ni Liza.

Matatandaang Mayo ng nakaraang taon ng kumalas si Liza kay Ogie Diaz at piniling maging manager ang kaibigang si James Reid.

Naglabas tuloy ng saloobin pa niya si Ogie at sinabing sana'y hindi na lamang inalis ni Liza ang bakas ng kaniyang nakaraan.

“Nanghihinayang ako sa career ni Liza, wa echos kasi nandoon na siya. Siyempre nahu-hurt ako bilang former manager na nakakabasa ako ng ‘Ano nang ginagawa ni Liza sa sarili niya? Bakit nag-iiba na siya ng direksyon? Bakit noong nandoon pa siya sa ABS-CBN o kay Ogie Diaz maganda naman o maayos naman ang palakad sa kanya. Bakit nagiging fan na lang ng Kpop si Liza?’ Yung mga ganoon.

“Siyempre hindi ko naman alam ang isasagot ko sa mga fans dahil unang-una, hindi na ako ang manager. Nanghihinayang lang ako kasi pinaghirapan naming lahat ‘yun kung nasaan siya nandoon,” sey ni Ogie.

Ibinunyag din nito ang kapansin pansing pag liit ng endorsement ni Liza.

"Siyempre hindi natin alam kung yung mga suki ng endorsements ng mga brands ni Liza ay uulit pa lalo na’t hindi nila nakikita locally o sa mga palabas sa TV si Liza dahil pinili na nga niyang sa US sumubok at magbakasakaling makilala siya,” dagdag pa nito.

Ngunit sa kabila nito ay nauunawaan naman raw niya ang dalaga sa kung ano ang gusto at magpapasaya rito.

Lahad pa ni Ogie, “Pero siyempre alam ko naman ang kabuhayan nila Liza. Alam ko naman na lahat ng meron siya ngayon ay dahil rin sa kanya, sa pag-aartista niya. Hindi naman siya bago nag-artista ay mayaman na sila.

“Kaya ako nanghihinayang ako bilang former manager doon sa mga nakakawalang proyekto para kay Liza… kasi hindi rin naman nagkulang ang ABS-CBN ng pitching sa kanila ni Enrique Gil… pero wala silang inaaprubahan.”

Huling hirit pa ni Ogie na ang alam niya ay open na open ang ABS-CBN sakaling naisin ni Liza ang magbalik teleserye at siya pa umano ang unang matutuwa pag nangyari nito.

Sa kasalukuyan kasi ay tila nag e explore pa si Liza Soberano kasama ang manager na si James Reid upang tuluyang mapasok ang inaasam nitong Hollywood career.