Lolit, sinabing gustong ipamukha ni Bea na may ipinalit na siya kay Gerald; Winner para sa kanya si Julia

Lolit, sinabing gustong ipamukha ni Bea na may ipinalit na siya kay Gerald; Winner para sa kanya si Julia

Lolit, sinabing gustong ipamukha ni Bea na may ipinalit na siya kay Gerald; Winner para sa kanya si Julia
- Nagkomento sa kanyang Instagram post si Lolit Solis hinggil kay Gerald Anderson na dating karelasyon ni Bea Alonzo 

- Aniya, sa tuwing nagpo-post si Bea ng kanyang sweet photo kasama si Dominic Roque, tila ipinapakita lang niya na may ipinalit na siya kay Gerald

- Winner naman para sa kanya si Julia Barretto, na tinawag niya bilang ang "ipinalit ni Gerald kay Bea ng iwan niya ito"

Muli na namang naglabas ng saloobin ang entertainment news writer na si Lolit Solis tungkol sa aktor na si Gerald Anderson at sa dati nitong kasintahang si Bea Alonzo.

Iba nga rin daw ang appeal ni Gerald sa masa at natanong pa kung anong meron sa aktor dahil kahit iniwan na niya si Bea, pumayag pa rin ang aktres na makipag-relasyon ngunit iniwan muli.

Sa Instagtram post ng kolumnista, nagsulat ito ng munting babasahin hinggil kina Gerald Anderson, Bea Alonzo, Dominic Roque, at Julia Barretto.

"Iba talaga ang appeal ni Gerard Anderson, Salve. Doble premium sa kanya iyon alam ng tao na nagawa niyang iwanan ng 2 beses si Bea Alonzo. Iyon bang lagi sa isip mo, ano meron si Gerard Anderson na hinahabol ng isang Bea Alonzo. Na iniwan mo na, pero pumayag pa uli na magkaruon kayo ng relasyon, at iwan mo uli?" aniya.

"Para bang God gift to women ang dating niya na hinahabol habol ng isang Bea Alonzo. Kaya nga parang smokescreen lang lumalabas iyon Dominic Roque, tuwing makikita mo posting na sweet sa social media, para bang gusto lang ipakita ni Bea kay Gerard na may ipinalit na ako, at dagdag pogi points na naman kay Gerard dahil compare sila dalawa ni Dominic. 

"Mamamalagi iyon question na why, bakit iniiwan ni Gerard Anderson si Bea Alonzo. Ano dahilan ? Ano problema ? At lagi na bawas ganda at ningning iyon para kay Bea Alonzo. The winner, Julia Barretto na ipinalit ni Gerard kay Bea ng iwan niya ito. Bongga" dagdag pa niya.