Pamilya ng 22-anyos na pinaslang ng kaniyang live-in partner, nagsalita hingil sa insidente

Pamilya ng 22-anyos na pinaslang ng kaniyang live-in partner, nagsalita hingil sa insidente

Pamilya ng 22-anyos na pinaslang ng kaniyang live-in partner, nagsalita hingil sa insidente
- Viral at usap-usapan ngayon ang kalunos-lunos na pangyayari sa isang 22-anyos na Ina sa kamay ng kaniyang partne

- Nag-ugat ang lahat ng dahil sa matunding pag-aaway nila

- Nagsalita na sa unang pagkakataon ang pamilya ng babaeng napaslang hingil sa insidente

Nagimbal, nag viral at usap-usapan ngayon sa social media ang kalunos-lunos na sinapit ng isang 22-anyos na Ina na si Kimberly Achas matapos na paslangin siya ng kaniyang ka live-in partner.

Ayon sa ulat ay dead on arrival ng isinugod sa hospital si Kimberly matapos na magtamo ng 16 na saksak sa leeg na kagagawan ng kaniyang live-in partner na si Elson Jamisola 27-anyos.

Nag-ugat umano ang lahat matapos na may pag-awayan ang dalawa na nauwi sa pagpaslang ni Elson kay Kimberly.

Samantala ayon sa salaysay ng ama ni Kimberly, na si Rodolfo Achas mula sa panayam sa kaniya ng 90.3 Strong Radio Live ay naroroon pa sa ang mismong asawa niya ng mangyari ang krimen.

Sa salaysay nito na naroroon ang ina ni Kimberly sa bahay nila dahil naghahanda na umanong pumasok ito sa paaralan, habang nakikipag-usap sa kumare niya ay bigla na lamang umanong pinalabas siya ni Elson at pinag-sarahan ng pintuan.

Matapos nito ay agad na nagsimula ang pag-aaway ng dalawa at saka ginawa ang karumal-dumal na krimen, sinubukan pa raw nilang buksan at sirain ang pinto upang makapasok ng bahay ngunit hindi nila magawa dahil mahirap umanong buksan ito.

Naririnig pa umano ng asawa niya ang pagsigaw ng anak at paghingi ng tulong dahil sa ginagawang pambubugbog sa kaniya.

Bago pa man mangyari ang krimen ay balak na palang ipa-rehab na si Elson at kasalukuyang inoobserbahan na nila, bagay na tinutulan naman na ng suspek dahil sa matino naman daw siya.

Tinangka pa umanong tumakas ni Elson matapos na paslangin si Kimberly at mabuti na lamang ay agad siyang nahuli ng mga otoridad  Desidido ang pamilya ni Kimberly na panagutin ang suspek sa nagawa nito sa kanilang anak.

Kasalukuyan namang nakakulong ngayon ang suspek at mahaharap sa patong patong na kaso.