"I am just really grateful and lucky": Robi Domingo in his 15th showbiz anniversary

"I am just really grateful and lucky": Robi Domingo in his 15th showbiz anniversary

"I am just really grateful and lucky": Robi Domingo in his 15th showbiz anniversary
Kahapon, ipinagdiwang ng VJ at Host na si Robi Domingo ang kanyang ika-15 na anibersaryo sa showbiz sa "Asap Natin To".

Sa isang portion ng show, pinapanood sakanya ang mga pre-recorded video messages galing sa kanyang mga kaibigan sa industriya. Ilan na rito ay sina Enchong Dee, Donny Pangilinan, Sam Concepcion, Ejay Falcon, Melai Cantiveros, at Josef Elizade.

Pinaunlakan rin siya ni Laurenti Dyogi, Head ng Star Magic ng isang pagbati at pagpupugay. 

"You don't know how proud I am sa tinahak mo, sa iyong karera, sa iyong personal na buhay."

Hindi rin nagpahuli ang kanyang mga magulang at fiancĂ©e na si Maiqui Pineda sa pagpaparamdam kung gaano sila kaproud kay Robi. 

"I knew I have only been there for 5 over 15 years, but I would be here for the rest of it," dagdag pa ni Maiqui. 

Hindi napigilang maging emosyonal ni Robi sa mga video greetings, ani niya, "I am just really grateful and lucky. Napakaswerte ko to be working with the best and the brightest on stage and behind the camera. Maraming maraming salamat.”

"Ang sarap magtrabaho kasi I feel at home all the time. Thank you so much,” Dagdag pa ni Robi. 

Ang career niya'y nagsimula nang manalo siya ng 2nd place sa “Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus” noong 2008 at nagtuloy-tuloy ito hanggang sa maging regular siyang host ng iba't ibang mga programa sa ABS-CBN.