Richard Gomez game raw makipag kissing scene kay Andrea Brillantes!

Richard Gomez game raw makipag kissing scene kay Andrea Brillantes!

Richard Gomez game raw makipag kissing scene kay Andrea Brillantes!
- Viral at usap-usapan ngayon ang naging sagot ni Richard Gomez sa isang tanong sa kaniya

- Sa latest interview kasi sa kaniya ay natanong ang batikang aktor patungkol sa magiging katambal niya sa future projects niya

- Sa pagtatanong ay lumitaw ang pangalan ni Andrea Brillantes na mabilis niyang sinagot ang patungkol dito

Viral at usap-usapan ngayon ang naging kasagutan ng batikang aktor at Ormoc City Mayor na si Richard Gomez.

Sa isang panayam kasi ay game na game na sinagot nito ang ilang katanungan ng press nang makatsikahan nila ang Goma.

"Nami-miss ko nga e," ang mabilis na sagot ni Goma matapos na tanungin siya kung nami-miss na ba niya ang pag-arte at nang tanungin kung gusto ba niya ng drama, "Drama. Syempre, love story, di ba? Sayang naman ang kaguwapihan natin. Hahaha"

Agad tanong muli sa kaniya kung sinong leading lady ang napupusuan niya, sa ngayon ay wala pa umano ngunit sakaling young actress ang makatambal niya na siyang kasing edad na ng kaniyang anak na si Juliana na 23 years old ay narito ang kaniyang mabilis na kasagutan:

"Oo naman. Oo kaya. May-December affair, ganun ba?"

Kung si Andrea Brillantes ang makatambal niya at magkaroon ng kissing scene ay ok ba sa kaniya?

"Ikaw naman. Kahit sino, puwede.. kung willing sila, di ba? Who am I to say no?," ang mabilis niyang naging sagot.