Kathryn Bernardo nakatanggap ng offer mula sa GMA, bakit nga ba hindi niya tinanggap?

Kathryn Bernardo nakatanggap ng offer mula sa GMA, bakit nga ba hindi niya tinanggap?

Kathryn Bernardo nakatanggap ng offer mula sa GMA, bakit nga ba hindi niya tinanggap?
- Nitong nagdaang araw lamang ay muli pumirma ng exclusive network contract si Kathryn Bernardo sa ABS-CBN at Star Magic

- Dito ay naibahagi niyang nakatanggap siya ng offer mula sa ibang networks

- Ibinahagi rin niya ang kaniyang rason kung bakit mas pinili pa rin niya ang ABS-CBN

Viral at talaga namang naging usap-usapan ang muling pagpirma ni Kathryn Bernardo ng exclusive network contract sa ABS-CBN at Star Magic nitong nagdaang araw lamang. 

Nitong nagdaang mga linggo lamang kasi ay kabi-kabila ang balitang napag desisyunan umano ng aktres ang lumipat na ng management at network matapos ang naging hiwalayan nila ni Daniel Padilla sa huling bahagi ng 2023. 

Ngunit dahil nga sa pirmahang ito ay natapos ang naturang espekulasyon at pinatunayan ni Kathryn na isa siyang Forever Kapamilya.

Sa interview matapos ang naturang contract signing ay ibinahagi ni Kathryn na totoong nakatanggap siya ng offer mula sa iba'-ibang network kabang na ang GMA. 

"I’ve seen the articles the news, and for me naman kasi as a celebrity and siguro I can speak in general for the celebrities, when your contract is ending, normal naman talaga to get offers from different networks, managements, or whatever. 

"Parang it’s a normal thing. And I don't see anything wrong with it sa mga naka-decide na you know na lilipat. Desisyon mo 'yun. we all have the freedom to decide kung sino ang gusto mong mag-manage sa 'yo," mabilis na sagot niya.

Ngunit sa kabila umano ng mga offers na natanggap niya ay mabilis niya umanong hinindian ang mga ito dahil sa buong buo ang tiwala niya sa ABS-CBN at Star Magic.

"Mabilis ko sigurong nasagot na hindi talaga. Because hindi ko naman siya naisip, 'coz Im very happy with everything now. Especially the partnership and the friendship with Direk Lauren and Star Magic. 

"Hindi ko talaga siya na na-entertain pero there were offers siyempre. But I know deep inside my heart na ABS is my only choice," dugtong niya.

Wala pang ibang anunsyo kung anu-ano ang gagawing proyekto ng aktres ngunit pinaka aabangan na ang pagbida niya sa pinaka mapangahas niyang role sa Meta Epic Film na "Elena 1944" na nakatakdang ipalabas sa sinehan ngayong taon.