Bimby babalik Pinas na para mag trabaho at matulungan si Kris sa hospital bills?

Bimby babalik Pinas na para mag trabaho at matulungan si Kris sa hospital bills?

Bimby babalik Pinas na para mag trabaho at matulungan si Kris sa hospital bills?
- Sa kaniyang IG account ay nagbigay ng latest update si Kris sa kaniyang kalusugan

- Ibinahagi nito ang maaaring pag-uwi na ni Bimby sa Pinas

- Ani ni Kris na sa patuloy na pagtaas ng gastusin sa Hospital kaya maaaring magtrabaho na ang anak niya

Nagbahagi ng health update ang Queen of All Media Kris Aquino kamakailan sa kaniyang IG account at dito ay naibahagi rin niya ang isang posibilidad patungkol sa anak niyang si Bimby.

Kinakailangan na umano ni Bimby na magtrabaho dahil sa patuloy na tumataas na bills niya sa pagpapagamot.

Iyan ang naging sagot ni Kris sa isang fan matapos na kamustahin siya nito sa comment section ng kaniyang Instagram post.

"Love you madam! Be well [red heart emoji] we are all praying for you," kumento ng isang fan na mabilis na ni-replyhan ni Kris.

"Bimb might go home after my birthday. He needs to work because my medical bills are already getting higher & higher.

"The stage mom is already saying NO to a name change. He’ll stay as Bimb. No last lame, like Drake,” ani Kris.

Noong Hulyo ng nakaraang taon ay naibalita na ni Boy Abunda na pinag-uusapan na ang pagpasok ni Bimby sa pag-aartista at nagkaroon na ng "exploratory meeting" sa talent agency na Cornerstone Entertainment.