Andrea Brillantes, tapatang pinatulan ang basher na inatake ang kanyang paglilinis sa Siargao: "Puro mali..."

Andrea Brillantes, tapatang pinatulan ang basher na inatake ang kanyang paglilinis sa Siargao: "Puro mali..."

Andrea Brillantes, tapatang pinatulan ang basher na inatake ang kanyang paglilinis sa Siargao: "Puro mali..."


 - Viral sa TikTok ang video ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes na naglilinis ng mga kalat sa kanilang bakasyon sa Siargao

- Kasama niya sa kanyang bakasyon ang kanyang boyfriend na si Ricci Rivero na kamakailan ay nag-viral dahil sa kanyang suporta para kay Andrea sa nagdaang Star Magic All-Star Games

- Isa namang basher ang naiinggit sa kanyang kabutihang ginawa kung kaya't napa-comment ito na siya namang pinatulan ng aktres

Binatikos ng isang netizen si Andrea Brillantes sa comment section ng kanyang TikTok video kung saan makikitang siyang nag-c-clean up drive kasama ang kanyang nobyong si Ricci Rivero sa kanilang bakasyon sa Siargao.

Kahit na nakakatulong na sa kalikasan ang ginawa ng aktres, humanap pa rin ang isang basher ng butas upang makapag-bigay ng tila 'backhanded compliment' sa kanya na siya namang napahiya pagkatapos itong sagutin ni Andrea.


Sa kanyang TikTok video, nag-comment ang isang 'di papangalanang user na nagsabing, "May nagawa ka ring maganda," habang tinutukoy si Andrea.

Sagot ni Blythe, "Puro mali ko lang naman kasi pinupuna nyo hahahaha," ma-respetong tugon ng Kapamilya star.


@blythe Be part of the solution not part of the pollution” 🌊🌱15 bags of plastic waste C O L L E C T E D and ready to be recycled ♻️ that’s 15 bags of plastic bottles, cups, bags, and etc that will no longer harm marine life 🐠🐋 Sana if mag visit kayo dito sa Siargao or sa any island eh mag participate din kayo sa clean up drives 🙏#BangonSiargao #fyp #fyp ♬ original sound - Andrea Brillantes