Madam Inutz Daisy Lopez nilayasan agad ang Star Image, isang araw matapos pumirma ng kontrata

Madam Inutz Daisy Lopez nilayasan agad ang Star Image, isang araw matapos pumirma ng kontrata

Madam Inutz Daisy Lopez nilayasan agad ang Star Image, isang araw matapos pumirma ng kontrata
- Nilayasan agad ni Daisy Lopez ang Star Image Talent Agency na kinuha siya bilang talent

- Mabilis na nakalikom ng milyong followers si Daisy Lopez dahil sa nakaka aliw niyang pagtitinda

- Dahil sa payo at udyok na rin ng kaniyang masugid na tagasubaybay ay tuluyan niyang iniwan ang Star Image

Nakilala si Madam Inutz o si Daisy Lopez dahil sa prangka at nakaka aliw na pagtitinda niya ng kaniyang mga panindang damit.

From being an online seller to vlogger real quick nga si Madam Inutz, na mabilis nahuli ang kiliti ng netizens.

Sa kaniyang mabilis na pagsikat ay nilapitan at tinanggap niya agad ang talent agency na Star Image upang mag manage ng kaniyang career bilang isang vlogger.

Ang Star Image ay kilala sa pagma manage ng ilang social media influencer na hindi gaanong kinatutuwaan ng netizens kagaya na lamang nina Buknoy Glamurr at Xander Ford.

At dahil na rin sa udyok ng mga followers niya ay napagpasyahan ni Daisy Lopez na kumalas na dito, isang araw pa lamang magmula ng magpirmahan sila ng kontrata.

"Umalis na ako sa Star Image dahil na rin sa inyo at sa pamilya . Salamat sa mga nagbibigay ng payo sa akin, nababasa ko ang mga comment ninyo.

"Na-overwhelm lang ako, wala tayong alam sa showbiz. Lesson learned, kapag may nag offer sa, wag kayo padalos-dalos katulad ni Inutil," ani ni Daisy sa kaniyang Facebook Live.

Panoorin ang kabuuan dito: