Heaven Peralejo may tanong sa kaniyang followers sa gitna ng pag-amin nila ng relasyon ni Kiko Estrada

Heaven Peralejo may tanong sa kaniyang followers sa gitna ng pag-amin nila ng relasyon ni Kiko Estrada

Heaven Peralejo may tanong sa kaniyang followers sa gitna ng pag-amin nila ng relasyon ni Kiko Estrada
- May bagong post si Heaven Peralejo sa kaniyang social media accounts

- Sinagot ito ng kaniyang followers sa pagdadawit sa issue nila kaugnay nina Kiko at Devon

- Kamakailan lamang ay umamin na ito sa relasyon nila ngayon ni Kiko Estrada

Sa kaniyang Instagram account ay nagbahagi ng bagong litrato niya si Heaven Peralejo.

Caption pa niya dito, "How's your day" sa post niyang kaakibat ang pitrato niya habang tila ay nasa kalagitnaan ng isang kalsada.

Marami ang netizens na nag kumento patungkol sa issue nilang tatlo nina Kiko Estrada at dating karelasyon nito na si Devon Seron.


Matatandaang kamakailan lamang ay umamin na ng kanilang relasyon nila sina Heaven Peralejo at Kiko Estrada.

Ngunit di rin naman maikakaila na bago ang kumpirmasyon nila Kiko at Heaven ng kanilang relasyon ay hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Kiko at Devon lalo pa at ipinaratang na si Heaven ang dahilan ng paghihiwalayan nila.


Bukod naman sa tila negatibong kumento ay nakatanggap din naman si Heaven ng suporta mula sa kanilang tagahanga nila ni Kiko.