Janine Gutierrez kinabahan sa ipinagtapat sa kaniya ng isang Grab Food Rider

Janine Gutierrez kinabahan sa ipinagtapat sa kaniya ng isang Grab Food Rider

Janine Gutierrez kinabahan sa ipinagtapat sa kaniya ng isang Grab Food Rider
- Kinabahan umano ang kapamilya actress na si Janine Gutierrez sa iponagtapat sa kaniya ng isang Grab rider

- Umorder ng cake ang dalaga at dito ay naka-usap niya ang Grab rider

- Sa kaniyang twitter account ay ibinahagi nito ang pag-uusap nilang dalawa

Kinabahan, ito ang umano'y naramdaman ng Kapamilya actress at ng bida ng upcoming teleseryeng 'Marry Me, Marry You' sa memsahe sa kaniya ng isang Grab rider.

Sa kaniyang twitter account ay ibinahagi ni Janine ang naging usapan nilang dalawa ng grab rider.

Umorder kasi ng cake si Janine mula sa app na Grab Food kaya naman nagka-usap sila.

"hellow po," panimulang mensahe ng rider sa kaniya na ni replyan naman niya ng, "elow, ingat po".

At matapos nito ay may ipinagtapat na ang rider kay Janine na siyang bahagyang nagpakaba umano sa kaniya.

"Kinabahan ako kuya Grab, kala ko kung ano ipagtatapat mo sakin," caption pa ni Janine sa ibinahagi niyang pag-uusap nila ng grab rider.

"Mam janine tapatin ko na po kayo. yung cake po na to ay sobrang lambot. kaya hindi ko po talaga ma sure na 100% maiingatan. (pilitin ko po, babagalan ko na lang takbo," ang mensahe ng rider sa kaniya.


Maraming ang natawa sa ibinahaging ito ni Janine kaya naman marami ang nag-abang kung naging maayos ba ang pagkaka deliver ng ini-order niyang cake.

Sa latest tweet naman niya ay ibinahagi niyang matagumpay namang nai deliver ang kaniyang na order na cake.

"para makatulog kayo, happy to share that the cake made it. at masarap siya, happy yung tatay kong nag-birthday. thank you to our delivery heroes," tweet ni Janine.