Madam Inutz Daisy Lopez spotted na nakipag kita kay Ogie Diaz, magiging talent na nito?

Madam Inutz Daisy Lopez spotted na nakipag kita kay Ogie Diaz, magiging talent na nito?

Madam Inutz Daisy Lopez spotted na nakipag kita kay Ogie Diaz, magiging talent na nito?
- Tunay na pinag-uusapan ngayon ang social media star na si Madam Inutz Daisy Lopez

- Kamakailan lamang matapos na pumirma ng kontrata ay kumalas na ito sa Star Image Agency

- Matapos nito ay spotted siya na kasama ang sikat na showbiz manager na si Ogie Diaz

Patuloy na pinag-uusapan ang fastest rising social media star na si Madam Inutz Daisy Lopez.

Kamakailan lamang nga ay napag-usapan ang biglaang pagpirma niya ng kontrata sa talent agency na Star Image Artist Management, ngunit makalipas ang mahigit isang araw lamang ay kumalis din siya dito.

Pahayag ni Daisy ay nagpadalos dalos umano siya sa pagdedesisyon dahil sa overwhelming support na natatanggap niya.

Samantala matapos nga ng pangyayaring ito sa career ni Daisy Lopez ay nagsunod sunod naman ang pakikipag collab niya sa ilang sikat na vlogger din.

At nitong nagdaang araw lamang ay na-ispotan ng mga netizens si Madam Inutz Daisy Lopez kasama ang sikat na Showbiz Manager na si Ogie Diaz.


Ikinatuwa ng mga netizens ang pagkikitang ito nina Ogie at Daisy, ani nila na mas magiging maganda ang career ni Daisy Lopez kung maging manager niya si Ogie Diaz.


Si Ogie Diaz ay manager ng ilang sikat na personalidad kagaya nina Liza Soberano, Enrique Gil, Raffy Tulfo at marami pang iba.