Bahay ng napatay na mag-inang Sonia at Frank Gregorio natapos ng gawin, tatay Florentino isiniwalt na ito ang Dream House ni Sonia

Bahay ng napatay na mag-inang Sonia at Frank Gregorio natapos ng gawin, tatay Florentino isiniwalt na ito ang Dream House ni Sonia

Bahay ng napatay na mag-inang Sonia at Frank Gregorio natapos ng gawin, tatay Florentino isiniwalt na ito ang Dream House ni Sonia
- Ipinasilip na sa programang Raffy Tulfo in Action ang tapos ng bahay ng pamilya Gregorio

- Sa tulong ni raffy Tulfo ay naging mabilis ang pag-gawa nito

- Isiniwalat ni Tatay Florentino na ito raw umano ang Dream House ng asawang si Sonia Gregorio

Sa isang update na ipinalabas sa programang Raffy Tulfo in Action ay ipinakita at ipinasilip ni Raffy tulfo ang update sa kakatapos lamang na bahay ng pamilya Gregorio.

Sa nasabing video nga ay masayang winelcome ni Tatay Florentino ang staff ni Raffy Tulfo na siyang nagpaunlak sa loob ng kakatapos lamang gawin na bahay.

Maging ang mga kwarto noon ng anak na si Frank ay ipinasilip nito na ngayon ay ookupahin na ng isa sa mga kapatid niya.

Nagkaroon pa nga ng pa blessing at binendisyunan ng isang pari ang kanilang bahay upang maging matiwasay ang paninirahan nila dito.

Malaki ang naging pasasalamat ng pamilya kay Raffy Tulfo dahil sa pagtulong nito sa kanilang pamilya, lalo pa at ibinigay na rin ni Tulfo ang ipinangakong tulong business nito sa pamilya Gregorio.

Matatandaang Disyembre ng nakaraang taon ng walang awang napatay ang mag-inang sina Sonia tat Frank Gregorio dahil sa pulis na si Jonel Nuesca.

Binaril ng naturang pulis ang mag ina sa mismong bakuran ng kasalukuyang ipinapatayong bahay ng pamilya Gregorio dahil lamang sa alitan patungkol sa ingay ng paputok.

Kasalukuyan ng nakakulong ngayon ang pulis na si Nuesca na naghain pa ng Not Guilty Plea sa kaniyang ginawang pagpaslnag sa mag-ina.

Magpapatuloy ang hearing sa naturang kaso kung saan lalabas na witness ang amang si Tatay Florentino laban sa nasasakdal na si Nuesca.