Ivana Alawi, humagulgol sa pag-iyak dahil sa pagtulong sa kaniya ng isang matanda sa gitna ng kaniyang prank

Ivana Alawi, humagulgol sa pag-iyak dahil sa pagtulong sa kaniya ng isang matanda sa gitna ng kaniyang prank

Ivana Alawi, humagulgol sa pag-iyak dahil sa pagtulong sa kaniya ng isang matanda sa gitna ng kaniyang prank
- Hindi napigilan ni Ivana ang mapaiyak dahil sa kabaitan ng isang matanda na tinulungan siya

- Nagpanggap na pulubi si Ivana Alawi upang i prank ang ilan na uuwi siya ng Baguio

- Papalitan nya ng mas malaking halaga ang sino mang magbibigay sa paglilimos niya

Trending at usap-usapan nga ngayon ang latest YouTube vlog ng sikat na sexy star/vlogger na si Ivana Alawi.

Dahil sa kakaibang prank na naisip niya, ay nagpanggap ito bilang isang pulubi na namamalimos ng pamasahe upang makauwi na ito sa kaniyang lugar sa Baguio.

Ayon kay Ivana ay susuklian niya ng x1000 ang sino mang magbibigay ng limos sa kaniya, upang maibalik umano ang kabutihang ipinakita nito sa kaniya.

May mangilan ngilang hindi siya binigyan ng limos ngunit marami rin naman ang naawa sa kaniya at binigyan siya ng limos ng halagang P5 at may iba na nagbigay din ng P10 at P20.

Mayroon pa nga na bukod sa limos ay binibigyan pa mismo siya ng pagkain at prutas na siyang pinapalitan din ni Ivana ng gantimpala.



Sa kaniyang ginawa ay may isa nga na tumatak sa puso niya, ito ay ang 58-anyos na nagtitinda ng puto at kutsinta.

Sa kalagitnaan ng kaniyang pamamalimos ay binigyan siya ng matanda ng pera at pagkain, bukod pa rito ay inaalok pa siya nito na bibilhan ng maiinom.



Sa kanilang pag uusap pa nga ay nagbahagi pa ng kwento ng buhay niya ang matanda na tuluyan ng ikinaiyak ni Ivana Alawi.

Naantig ang puso ni Ivana kaya naman itinigil na niya ang pagpapanggap bilang pulubi at ginantimpalaan na niya ito ng P20,000 kapalit ng pera at pagkaing ibinigay sa kaniya ng matanda.



Sa huling bahagi pa nga ng kaniyang vlog ay isiniwalat ni Ivana na kakaibang kirot sa puso ang idinulot sa kaniya ng matandang nakausap niya kaya naman ay ipapahanap umano niya ito at tutulungan pang muli.

Panoorin ang kabuuan ng kaniyang vlog dito: