Raffy Tulfo, ibinebenta ang kaniyang mahahalagang gamit, damit at sapatos upang ma i donate sa Charity

Raffy Tulfo, ibinebenta ang kaniyang mahahalagang gamit, damit at sapatos upang ma i donate sa Charity

Raffy Tulfo, ibinebenta ang kaniyang mahahalagang gamit, damit at sapatos upang ma i donate sa Charity
- Sa bagong vlog ni Raffy Tulfo ibinahagi nito na nakatakda niyang ibenta ang kaniyang mga gamit

- Ang mapag bebentahan umano nito ay idu-donate niya lahat sa isang charity

- Nakatakda rin umano itong magbukas ng Idol Shopping Network kung saan ibebenta ang ilan niyang gamit

Sa latest vlog nga ng kinikilalang sumbungan ng bayan na si Raffy Tulfo ay ibinahagi nito sa lahat ang nakatakdang pagbebenta niya ng kaniyang mga kagamitan.

Isiniwalat din ng batikang TV host na ang pagbebentahan ng kaniyang mahahalagang damit at sapatos ay kaniyang ido-donate sa isang charity.

"Yun pong perang napagbentahan ng mga sapatos at mga long sleeves ko, 'yun po ay 100% ido-donate ko po sa charity," sabi ni Raffy.

Sa nasabi ring vlog ay ipinaliwanag ni Raffy na magtatayo siya ng Idol Shopping Network kung saan dito ibebenta ang ilang mahahalagang gamit niya.

Sa pagbabahagi niya ng naturang impormasyon ay na i kwento rin niya at inalala ang mga pagkakataon noon ng wala pa umano siyang sariling mga gamit, naalala niya ang mga panahong nanghihiram lamang siya ng mga damit at sapatos sa kaniyang nakakatandang kapatid.


Ibinida niya ang mga koleksyon niyang damit, sapatos maging ang mga long sleeves na naisuot na rin niya sa kaniyang programang Wanted sa Radyo.

Bukod sa perang malilikom mula sa pinagbentahan ng mga ito ay makakatanggap naman ng larawan niya ang mga bibili nito at mga katunayan na sa kaniya nga galing ang mga ito.