Vice Ganda niregaluhan ng P500,000 ang inang si Rosario sa kaarawan nito

Vice Ganda niregaluhan ng P500,000 ang inang si Rosario sa kaarawan nito

Vice Ganda niregaluhan ng P500,000 ang inang si Rosario sa kaarawan nito
- Sa latest vlog ni Vice Ganda ay ibinahagi nito ang mga kaganapan sa selebrasyon ng kaarawan ng kaniyang Ina

- Idinaan naman ni Vice Ganda sa isang palaro ang naging regalo niya sa kaniyang Ina

- Nakuha naman ng kaniyang Ina ang pinakamataas na premyong para sa kaarawan niya

Masayang ibinahagi ng Phenomenal Unkabogable star Vice Ganda sa kaniyang YouTube channel ang masayang selebrasyon nila ng kaniyang Ina sa kaarawan nito.

Mapapanood sa naturang vlog ang masayang pagtanggap ni Nanay Rosario ng mga regalo dahil sa kaniyang kaarawan, matapos nito ay si Vice naman ang nagbigay ng regalo niya.

Ngunit idinaan ni Vice sa isang palaro ang naturang regalo niya sa Ina, Ramapanalo ang siyang naging gift nita rito.

Pinapili niya ang kaniyang Ina mula sa tatlong papel na inihanda niya at doon ay nakasulat ang presyo/premyong matatanggap ng Ina.

Sa huli ay nakuha ni Nanay Rosario ang pinakamalaking halaga na nagkakahalaga ng P500,000. Bongga talaga ang Vice Ganda.

Panoorin ang kabuuan ng vlog dito: