Jodi Sta Maria napaamin!, Kissing scene nila ni Joshua: "It was great..."

Jodi Sta Maria napaamin!, Kissing scene nila ni Joshua: "It was great..."

Jodi Sta Maria napaamin!, Kissing scene nila ni Joshua: "It was great..."
- Viral ang naging interview ni Tito Boy kay Jodi Sta Maria kamakailan lamang

- Sa naturang interview ay natanong si Jodi kaugnay sa naging kissing scene nila ni Joshua Garcia

- Nahihiyang sinagot naman agad ito ng aktres

Viral ang interview ni Tito Boy Abunda sa kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria matapos na matanong siya nito kaugnay sa seryeng pinagbibidahan nila ng kapamilya actor Joshua Garcia.

Sa naturang interview kasi ay diretsahang tinanong ni Tito Boy si Jodi patungkol sa naging kissing scene nila ni Joshua.

"How was it kissing Joshua Garcia?," tanong ni Tito Boy.

"Ano ba? Tito Boy talaga, ginulat mo ko sa question na 'yan. 

"It was great. Charot! It was okay! Grabe kayo. Syempre na sa scene 'yun. 

"Kailangan kasi talagang passionate, ganun 'yung encounter with Renz. Ang iniisip ko na lang 'si Renz 'to.' Uy pa-professional," mabilis na sagot nito.

Mabilis namang humirit si Tito Boy na tila nainggit umano sa naturang eksena.

"Nung napanood ko nga, doon lang ako medyo 'buti ka pa," sabi ni Tito Boy dahilan upang magtawanan silang dalawa.

Kasalukuyang umeere ang Unbreak My Heart sa GMA Channel 7 9PM at napapanood din sa streaming app na Viu.