Vice Ganda may hirit sa nakitang Totem Pole sa Vancouver: "Anne Curtis O"

Vice Ganda may hirit sa nakitang Totem Pole sa Vancouver: "Anne Curtis O"

Vice Ganda may hirit sa nakitang Totem Pole sa Vancouver: "Anne Curtis O"
- Kinaaliwan ng netizens ang bagong vlog ni Vice Ganda

- Ibinahagi ng kumedyante ang trip niya mula sa Vancouver

- May isang nakakatawang hirit si Vice kung saan nadamay ang kaibigang si Anne Curtis

Kinaaliwan ng marami ang latest YouTube vlog ng Unkabogable Box Office Star na si Vice Ganda kung saan ibinida nito ang kaniyang Nature trip sa Vancouver.

Bumisita siya kasama ang mga kaibigan sa Suspension Bridge Park, na isang nature attraction sa North Vancouver, British Columbia.

Sa kalagitnaan nga ng kanilang pag-iikot ay napunta sila sa isang totem pole na tila nakanganga, na siyang dahilan upang maglabas ng nakakatawang hirit si Vice Ganda.

"Oh my God!! Hindi niyo naman sinabi na kasama natin si Anne Curtis," natatawang hirit ni Vice habang nilalapitan ang naturang totem pole.

"Bunganga ni Anne Curtis o! Sis, hanggang dito naman sa Canada sinusundan mo 'ko," dagdag pa niya.

Panoorin ang mga hirit ni Vice sa vlog niyang ito: