Vice Ganda, inalala ang kanyang pagiging Kapuso: "Yung staff dun mababait..."

Vice Ganda, inalala ang kanyang pagiging Kapuso: "Yung staff dun mababait..."

Vice Ganda, inalala ang kanyang pagiging Kapuso: "Yung staff dun mababait..."


 - Inalala ni Vice Ganda ang nakaraan nang siya'y nakilala bilang isang Kapuso sa mga GMA programs tulad ng 'SiS' at 'SOP'

- Ikinuwento niya ang karanasan niya bilang isang Kapuso sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas

- Nagpapasalamat naman ito sa mainit na pagtanggap ng mga Kapuso sa noontime show na It's Showtime sa GTV

Bago naging isang 'phenomenal unkabogable superstar' sa ABS-CBN, nauna munang lumalabas sa ilang mga GMA programs si Vice Ganda bilang isang Kapuso.

Ito nga ay kanyang inalala sa panayam sa kanya ni Nelson Canlas sa kanyang programang 'Updated with Nelson Canlas' na mapapanood din sa YouTube.

Masayang winelcome ni Nelson Canlas ang Kapamilya star sa kanilang tahanan, ang GMA Network, habang iniinterview si Vice Ganda sa loob ng GMA lobby.

Naitanong ni Nelson kay Vice ang unang pagkakataon niya bilang isang Kapuso. Aniya, "Nung nagsi-SIS ako, ang saya nun kasi masaya yung mga kasama ko, ang babait nina Janice, ni Carmina saka ni Gelli, saka yung staff dun mababait."

Hindi lang ang 'SiS' ang kanyang inalala kundi pati ang 'SOP' kung saan nakasama niya ang kaibigang si Regine Velasquez na ngayo'y Kapamilya na rin.

"'Yung ilan dun naging kaibigan ko, Pinaka-favorite ko talaga pag naggi-guest ako sa SOP. Kasi most of the time pag nasa SOP ako, si Regine ang kasama ko sa number. Alam mo namang patron saint ko si Regine 'di ba?" pahayag ni Vice.

Narito ang buong panayam: