Jennica Garcia, ikinagulat ang ginawa ni Luis sa request niyang picture kay Vilma Santos

Jennica Garcia, ikinagulat ang ginawa ni Luis sa request niyang picture kay Vilma Santos

Jennica Garcia, ikinagulat ang ginawa ni Luis sa request niyang picture kay Vilma Santos
- Viral ang naging post ni Jennica Garcia kaugnay ng co-host niyang si Luis Manzano

- Humingi kasi ito ng request kay Luis patungkol sa pag guest ng ina niyang si Vilma Santos

- Nabalot naman ng kantyaw at katatawanan sa netizens nag pangyayari

Sa kaniyang Facebook account ay ibinahagi ni Jennica Garcia ang nakakatawang pangyayari sa pagitan nila ni Vilma Santos dahil sa kagagawan ng co-host niyang si Luis Manzano.

Nag request kasi ang 'It's Your Lucky Day' host na si Jennica Garcia sa co-host niyang si Luis Manzano upang magkaroon ng picture kasama ang ina nitong si Vilma Santos.

Sakto kasing guest ng show ang ina ni Lucky na si Vilma Santos.

Ngunit sa kwelang pangyayari ay napuno umano ng litrato ni Luis ang kaniyang phone ngunit iisang picture lamang ang meron sila ni Ate Vi.

"Sabi ko kay Kuya Lucky Manzano paki picture kami ng nagiisang Star Of All Season, Vilma Santos. 

Ginawa naman po ni kuya pero akalain mo, pag uwi ko para ipakita sa mga anak ko picture namin ni Miss Vilma, mas marami pa selfie niya sa telepono ko. DA BEST!  Sobra kita ma-miss Kuya!"


Anong masasabi niyo sa kakulitang ito nina Jennica at Luis?