Vice Ganda nais nang magka-baby: "Ngayon kaya ko nang protektahan ang magiging anak ko, pero.."

Vice Ganda nais nang magka-baby: "Ngayon kaya ko nang protektahan ang magiging anak ko, pero.."

Vice Ganda nais nang magka-baby: "Ngayon kaya ko nang protektahan ang magiging anak ko, pero.."
- Ibinunyag ni Kapamilya Superstar Vice Ganda ang kagustuhan niyang magkaroon na ng anak

- Kaakibat nito na kung magkaroon man ay kaya niya na umanong protektahan ito

- Ngunit isang bagay na lamang ang humahadlang dito

Sa isang panayam ay naibahagi ni Vice Ganda ang kagustuhan niya sa pagkakaroon na ng sariling anak.

Kung siya lamang ang masusunod ay gustong gusto na niyang magkaroon ng anak, feeling umano niya na ready na siya sa nasabing responsibilidad kahit na alam niyang magiging mahirap ito.

“Mahirap magka-baby pero hindi ko siya maharap. Pero gustung-gusto ko na,” ang pahayag ni Vice Ganda.

Kaakibat nito ay malaking parte rin umano ng usapan si Ion, kung gusto na rin nitong magkaroon sila ng anak ni Vice.

“Actually ang laking part sa buhay ko na ayokong i-subject yung anak ko sa cruel world like scrutiny sa pamilya, sa dyowa.

“Pero now kaya ko nang protektahan ang anak ko. Gusto ko na pero hindi ko talaga siya maharap dahil ang dami-dami kong ginagawa,” pahayag pa ng komedyante.

Hindi na rin naman lingid sa kaalaman ng lahat ang pagiging sobrang busy palagi ni Vice Ganda, mayroon itong daily show na It's Showtime at ang weekend game show pa niya na Everybody Sing.

“Nagpunta ako ng America noong tour. Inayos ko na yung schedule kung kanino pupunta. Nakapagpa-schedule kami pero hindi ko napuntahan.

“I still don’t have the luxury of time to do other things that I want to do. Kahit meron time naagaw pa rin talaga,” sabi pa ni Vice Ganda.