Ria Atayde may matapang na mensahe sa kaniyang bashers, "Go ahead, call me fat"

Ria Atayde may matapang na mensahe sa kaniyang bashers, "Go ahead, call me fat"

Ria Atayde may matapang na mensahe sa kaniyang bashers, "Go ahead, call me fat"
- Sa isang vlog ay ibinahagi ni Ria Atayde ang dahilan ng hirap ng pagbabawas ng timbang


- Sa kabila naman nito ay inamin niyang tanggap niya kung ano man ang meron siya ngayon

Patuloy na tampulan ng negatibong kumento ang anak ni Sylvia Sanchez na si Ria Atayde patungkol sa kaniyang pisikal na pangangatawan.

Sa isang vlog kung saan nagbasa ng ilang mean comments sila Ria ay ibinahagi nito ang tunay na dahilan kung bakit nahihirapan siyang magpapayat.

"I have hypothyroidism. I have no gallbladder. Losing weight is a lot harder for me than it is for other people. So, go ahead. Call me fat. Anong magagawa niyo? I’m sick with stuff I can’t fix. So, sino ka diyan,” kwento nito.

Ngunit sa kabila ng lahat nang ito ay tanggap umano niya kung anong mayroon siya at hindi niya ito ikinakahiya.

"It takes a level of embracing yourself and understanding yourself. Kasi kung magpapa-apekto ka, then your whole life will just be affected by the people around you even if at the end of the day, it’s all about you with yourself," kwento pa nito.

Nitong pagpasok lamang ng taon ay proud na ibinandera ni Ria ang kaniyang katawan matapos na maging cover girl siya ng isang inumin.

Panoorin ang kabuuan ng panayam sa kaniya rito: