Ria Atayde inoperahan dahil sa kaniyang 'Herniated Disc'

Ria Atayde inoperahan dahil sa kaniyang 'Herniated Disc'

Ria Atayde inoperahan dahil sa kaniyang 'Herniated Disc'
- Inoperahan nga ang aktres na si Ria Atayde alinsunod sa payo sa kaniya ng mga dalubhasa

- Nakaraang taon ng mapag-alaman nito na mayroon siyang Herniated disc sa kaniyang spine

- Naging matagumpay naman ito, at naghahanda na siya para sa pagbabalik teleserye

Ibinahagi ni Ria Atayde ang kuwento sa likod ng kaniyang pagpapa-opera alinsunod na rin sa ipinayo sa kaniya ng kaniyang Doktor.

Sumailalim siya sa isang operasyon kamakailan lamang dahil sa kaniyang Herniated disc sa kaniyang spine.

Nakaraang taon lamang ng mapag alaman ni Ria ang sakit niyang ito dahil na rin sa hindi nito magandang pakiramdam.



Pagbabahagi pa ni Ria na bago pa man ang lahat ay kumonsulta na siya sa mahigit walong Doktor.

“Out of the eight, two of them said don’t do surgery, not yet, kaya pa. But six of them said, ‘You need it or else there’s a tendency na pwede ka maging paralyzed or you will reach a point na you can’t control your bladder, internal organs.’ I was like, ‘Oh my God, really?’ I did pa rin therapy kaso nga this February, sobrang lala,” aniya. 

Nitong Abril 8 nga naganap ang operasyon at kasalukuyan pa itong nagpapagaling at excited na umano itong magbalik taping para sa kaniyang bagong teleserye.

Panoorin ang kabuuan dito: