Maja Salvador naasiman nga ba ang 'Prangkisa' joke ni Joey De Leon?

Maja Salvador naasiman nga ba ang 'Prangkisa' joke ni Joey De Leon?

Maja Salvador naasiman nga ba ang 'Prangkisa' joke ni Joey De Leon?
- Viral at usap-usapan ngayon ang video clip ng Eat Bulaga patungkol sa biro ni Joey De Leon

- Sa naturang clip kasi ay nagbiro si Joey sa isa sa contestant nila sa Eat Bulaga hingil sa 'Prangkisa'

- Tila naman hindi natuwa si Maja sa birong ito ni Joey, dahilan upang makatanggap siya ng positibong kumento

Viral at usap-usapan ngayon ang video clip ng isa sa mga segment ng noontime show na Eat Bulaga kaugnay sa tila insensitibong biro ng host nitong si Joey De Leon.

Sa isa sa mga segment kasi nito ay kau-kausap ng hosts ang contestant nila kung saan nagbahagi siya ng kwento hinggil sa historical franchise ng Miss International Queen na kinabibilangan niya.

Matapos nito ay humirit si Joey De Leon at sinabing, "Buti pa kayo may prangkisa" dahilan upang tila mapangiwi si Maja Salvador samantalang nagsipag tawa naman ang ilang mga kasamahan niya.

Dahil sa tila hindi niya pag-approved sa nasabing biro ni Joey De Leon ay lalong hinangaan ng marami si Maja Salvador.

Matatandaan kasing hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN at sa kasalukuyan ay walang prangkisa, ito naman ang siyang naging tahanan ni Maja Salvador sa loob ng marami ng taon.

Panoorin ang clip dito:

Narito ang kumento ng ilang netizens hingil dito: 

"Wla naman nakakataw sa jk ni Joey. Kahit bus pa un. Jojologs talaga ng joke."

"Bastos pa rin si Joey De Leon hanggang ngayon kahit pa sa kabila ng issue ng programa ninyo (Eat Bulaga!) ng mga nagdaang araw."

"wala mang prankisa atleast walang artistang tulad mo!"

"Naawa Naman๐Ÿ’” ako para Kay Maja at sa mga nawalan ng trabaho na Hindi pa nakakakita ng bagong trabaho, Wala talagang emphaty tong Ewan na ito๐Ÿ™„"

"Buti pa si Maja tumahimik na lang kasi alam nya kung gaano ka sensitive ang topic na yun."