Pumaslang sa Maguad Siblings binabaan na ng hatol, Mga magulang ng Maguad labis ang hinagpis

Pumaslang sa Maguad Siblings binabaan na ng hatol, Mga magulang ng Maguad labis ang hinagpis

Pumaslang sa Maguad Siblings binabaan na ng hatol, Mga magulang ng Maguad labis ang hinagpis
- Ibinaba na ng korte ang hatol nila para sa mga pumaslang sa magkapatid na Maguad

- Sa isang video ay mapapanood ang naging reaksyon ng mag asawa sa hatol na ibinigay sa mga suspek

- Matatandaang naging kasama pa nila sa bahay ang pangunahing suspek

Ibinaba na ng korte ang naging hatol nila sa mga suspek na kumitil sa buhay ng magkapatid na Maguad.

Sa isang video na ibinahagi ng DXND Kidapawan ay mapapanood pa ang naging emosyonal na reaksyon ng mag-asawa dahil sa paghihinagpis na nadarama nila.

Labis na lumuha ang ina ng magkapatid matapos na makita ang kampo ng mga akusado na aniya ay tila walang pagsisising makikita sa mga mukha nila, kaakibat pa nito ng malamang hindi nila makakamit ang maximum justice dahil na rin sa mga menor de edad ang mga akusado.

Sa ibinabang hatol ng korte ay binigyan ng minimum at maximum jail time ang mga akusado:

Female Murderer (for Boyboy) 
minimum: 10yrs 
maximum: 17 yrs 

Female Murderer (for Ate Gwynn) 
minimum: 8 years 
maximum: 14 years

Male Murderer (for Boyboy) 
minimum: 12 yrs 
maximum: 20 yrs 

Male Murderer (for Ate Gwynn) 
minimum: 10 yrs 
maximum: 17 yrs

Matatandaang kinitil ang buhay ng magkapatid na Maguad ng babaeng itinuring na nilang sariling kapatid, gumawa pa ito ng senaryo kung saan biktima rin umano siya na nakatakas sa mga suspek, kalauna'y napag alaman din na isa nga siya sa suspek at matagal ng pinag planuhan ang pagpatay sa magkapatid dahil lamang sa labis na inggit.

Maka ilang beses na ring naglabas ng hinanakit nila ang mag-asawang Maguad dahil alam nilang hindi nila makakamit ang maximum justice na inilalaban nila dahil sa pagiging mga menor de edad ng mga suspek.

Panoorin ang kabuuan dito: