Jason Hernandez, inaming deserve niya ang pagpaparinig ni Moira sa kaniya?

Jason Hernandez, inaming deserve niya ang pagpaparinig ni Moira sa kaniya?

Jason Hernandez, inaming deserve niya ang pagpaparinig ni Moira sa kaniya?
- Sa kakatapos lang na mediacon ng 'The Write One' ay naka-usap ng press si Jason Hernandez

- Dito ay isiniwalat niya na okay na siya matapos ang hiwalayan nila ni Moira Dela Torre

- Sinagot din niya ang kaugnay sa mga hugot songs ni Moira na tila patama umano sa kaniya

Sa kakatapos lamang na mediacon ng 'The Write One' na isang GMA show, kung saan si Jason ang sumulat ng themesong ay naka-usap siya ng press.

Dito ay isa-isang sinagot ni Jason ang mga tanong ng press kaugnay sa naging hiwalayan nila ng ex-wife na si Moira Dela Torre.

Natanong siya ng ilang press kung ano ang masasabi niya sa sunod-sunod na ni rirelease na kanta ni Moira kung saan mahihinang hugot songs ito sa napagdaanan niya, at tila nga ba ay pagpaparinig sa kaniya.

Inamin nito na para sa kaniya ay ok lang at deserve umano niya ang mga pagpaparinig na ito.

"I think emotinally, I'm okay na. Syempre sa simula masakit, pero okay na... Honestly, ako po kasi tinatanggap ko na lang s’ya kasi nagkamali naman talaga ako. Parang I deserve it," sagot niya.

Dinagdag pa niya na para sa kaniya may ibang detalye umano ang iba ngunit hindi na niya sasagutin pa, at sinabing hindi siya (Moira) makakarinig ng ganti.

""May mga details lang na iba pero okay lang. Hindi kasi ako sasagot. Never n’ya ako maririnig na gaganti ako. Naniniwala kasi ako na si God na ang bahala sa’yo. You don’t need to defend yourself," dugtong niya.