Cristy Fermin, ibinunyag kung sinong sangkot hiwalayang Jason-Moira: "Pero alam mo..."

Cristy Fermin, ibinunyag kung sinong sangkot hiwalayang Jason-Moira: "Pero alam mo..."

Cristy Fermin, ibinunyag kung sinong sangkot hiwalayang Jason-Moira: "Pero alam mo..."
- Sina Moira dela Torre at Jason Hernandez ang isa sa naging paksa sa programa ni Cristy Fermin na 'Cristy Ferminute'

- Nagkomento ito sa naging hiwalayan ng dalawa at nagbunyag ng kanyang nalalaman kung mayroon nga bang lalaking sangkot sa isyu

- Pinabulaanan nitong may 'lalaki' ngunit sinabi nitong 'puro babae' ang 'involved' sa kanilang relasyon

Hot topic sa online world ang paghihiwalay ng Kapamilya singer na si Moira dela Torre at kapwa musikero nitong si Jason Hernandez nang dahil sa pagiging 'unfaithful' umano ni Jason sa kanilang relasyon.

Tinagurian pa nga ang taong 2022 bilang 'year of breakups' dahil sa sunod-sunod na paghihiwalay ng mga celebrities, social media influencers, at online personalities sa kanilang mga karelasyon sa iba't-ibang dahilan.

May komento naman si Cristy Fermin hinggil sa balitang ito na talagang pinag-usapan mapa-Twitter, Facebook, at TikTok. Sa kanyang programang 'Cristy Ferminute', nilinaw nito kung may 'third party' na kaugnay sa isyu.

“Wala raw lalaking involved. Wala raw lalaking naging third-party. Puro babae raw,” salaysay ng kolumnista.

“Nakakalungkot lang ano, pitong taon sila naging magkaibigan, tatlong taon nagsama bilang mag-asawa. Maganda naman ang kanilang pag-iisa dahil pareho silang musikero.

“Pero alam mo, Romel, hindi nga pala guarantee 'yung nagkakaintintihan sila ng tono, nagkakaintindihan sila ng mga liriko, pero eto tignan mo ang kinahinatnan," pagbabahagi pa ni Cristy sa kanyang audience.