Video ni Roxanne Guinoo viral dahil sa nakaka-antig kwento nito, "pinagpapala ang anak na mapagmahal sa magulang."

Video ni Roxanne Guinoo viral dahil sa nakaka-antig kwento nito, "pinagpapala ang anak na mapagmahal sa magulang."

Video ni Roxanne Guinoo viral dahil sa nakaka-antig kwento nito, "pinagpapala ang anak na mapagmahal sa magulang."
- Viral at pinusuan ng marami ang latest tiktok video na ibinahagi ni Roxanne Guinoo

- Marami ang natuwa dahil sa nakaka-antig na kwentong kaniyang isinalaysay sa video

- Ikinuwento kasi niya ang palagiang pagdalaw niya tuwing linggo sa bahay ng kaniyang magulang

Viral at pinusuan ng marami ang latest Tiktok video na ibinahagi ni Roxanne Guinoo patungkol sa isa sa mga sunday habit na umano niya.

Sa naturang video kasi ay mapapanood ang pagpunta niya sa bahay ng kaniyang mga magulang tuwing linggo kung saan binibisita niya ang mga ito at iniiwanang malinis.

"This is how i spend my sundays at my parents house. i make sure maiiwan ko silang maayos na ang bahay at wala na silang maiiwanan na trabaho, bigyan panahon natin ang ating mga magulang, pahalagahan natin bawat oras na nakakasama," caption niya sa kaniyang post.

Mapapanood pa nga sa naturang video ang paghuhugas niya ng mga pinggan, paglilinis ng mesa, maging ang pagwawalis sa buong bahay nila.

Na-antig ang puso ng mga netizens dahil sa kabila umano ng pagkakaroon ng sariling pamilya ay hindi nakakalimot na alagaan ni Roxanne ang kaniyang mga magulang.

"Napakaswerte ng magulang mo sa yo bilang isang mabuting anĂ k,God bless you.," kumento ng isang netizen.

"pinagpapala ang anak na mapagmahal sa magulang.," sabi naman ng isa pa.

Panoorin ang video niya rito:
@roxanneguinoo_ This is how i spend my sundays at my parents house. i make sure maiiwan ko silang maayos na ang bahay at wala na silang maiiwanan na trabaho, bigyan panahon natin ang ating mga magulang, pahalagahan natin bawat oras na nakakasama natin sila❤️ habang tayo ay tumatanda, sila rin ay tumatanda. #parents #daughters #love #roxanneguinoo #TitaMoms #fyp ♬ Relaxing Japanese-style piano song inviting nostalgia - Akiko Akiyama