Moira, naging emosyonal sa Magandang Buhay: "Saan ba ako nagkulang... Alam ko sa puso ko na true love exists..."

Moira, naging emosyonal sa Magandang Buhay: "Saan ba ako nagkulang... Alam ko sa puso ko na true love exists..."

Moira, naging emosyonal sa Magandang Buhay: "Saan ba ako nagkulang... Alam ko sa puso ko na true love exists..."


 - Naging emosyonal si Moira dela Torre sa kanyang guesting sa Magandang Buhay nang mapag-usapan ang relasyon niya kay Jason Hernandez


- Natanong siya ni Regine kung minsan ay nasisisi niya ang kanyang sarili kung bakit nangyayari ang ganitong sitwasyon

- Habang sinasagot siya ni Moira, hindi napigilan ng Kapamilya singer na bumuhos ang luha bago siya makatugon muli

Emosyonal na Moira dela Torre ang napanood ng mga viewers ng Kapamilya morning talk show na 'Magandang Buhay' kahapon, June 6, kung saan nakapanayam nila ang singer.

Bigla nalang pumatak ang luha ni Moira sa tanong sa kanya ni Regine kung nasisi niya ba ang kanyang sarili sa sitwasyon niya ngayon na naghiwalay sila ng kanyang asawang si Jason Hernandez.

Ani momshie Regine,  "Can I ask you something? 'Di ba minsan when go through something like this, We cannot help but blame ourselves parang 'ako ba 'yung dahilan nun?'. Kahit ano pang experience mo in life, meron ka bang konting blame sa sarili mo?" tanong niya kay Moira.

"Yes po, sobra," tugon naman sa kanya ni Moira hanggang sa mawala ang kanyang boses at maluha ito. Inabutan naman siya ng tissue hanggang sa nakasagot na muli.

"I guess sa lahat naman ng pinagdadaanan ko sa buhay, laging 'yun ang initial reaction ko eh. I always say 'what did I do wrong', so especially now, saan ba 'ko nagkulang? Akala ko dati 'yung Paubaya kanta ko lang," saad pa niya.