Moira, matapang na pinatulan ang basher na pinuntirya ang kanyang katawan: "I hope..."

Moira, matapang na pinatulan ang basher na pinuntirya ang kanyang katawan: "I hope..."

Moira, matapang na pinatulan ang basher na pinuntirya ang kanyang katawan: "I hope..."


 - Hindi nakaligtas ang Kapamilya singer na si Moira dela Torre sa mga taong nambo-body shame sa internet 

- Pinuntirya ng isang basher na ito ang katawan ni Moira upang umano'y maging 'aware' ang singer sa kanyang sariling katawan

- Pinatulan naman ni Moira ang netizen at sinabi pang kung magpapapayat siya ay gagawin niya ito para sa sarili at hindi para sa mga lalaki

Hindi pa rin tumitigil ang ilang mga bashers online upang puntiryahin ang katawan ng mga celebrities sa tuwing makikitang tumaas ang timbang.

Kabilang na nga sa nabiktima ng mga body shamers sa internet ang award-winning Kapamilya singer na si Moira dela Torre nang magpost ito ng kanyang photoshoot.

Kuha ang litrato ni Moira sa isang sikat na online shop sa Facebook nang mag-comment ang netizen na punong-puno ng inggit sa katawan kaya naman si Moira ang pinupuntirya.

“Konting push na lang, ‘yan na ba talaga katawan mo ngayon?" pasimpleng pagtatanong pa ng basher.

At dinugtungan pa nga nito na sana'y hindi ma-offend si Moira at maging 'aware' siya sa kanyang katawan dahil sa katawan pa rin umano tumitingin ang mga kalalakihan.

“Not to offend ha, Ms. Moira. Para aware ka na. You know, mga lalaki katawan din tinitingnan," hirit nito.

At rumesbak na nga si Moira upang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa basher. Aniya, kung magpapayat man siya, gagawin niya ito para sa sarili at hindi para sa kung sinumang lalaki.

Dagdag pa nito, “at the end of the day, every person deserves someone who can love them and be faithful to them in all their phases, in every season —sickly, healthy, thin or fat.

“I hope you’re eating well and that whoever you’re with know your value and your worth whatever size you are,” aniya pa.