Xyriel Manabat, inulan ng papuri dahil sa viral na eksena niya sa Dirty Linen

Xyriel Manabat, inulan ng papuri dahil sa viral na eksena niya sa Dirty Linen

Xyriel Manabat, inulan ng papuri dahil sa viral na eksena niya sa Dirty Linen
- Patuloy na pinag-uusapan ng bansa ang bagong hit teleserye ng ABS-CBN na Dirty Linen

- Punong-puno kasi ng mga magagaling na artista ang naturang serye at wala umanong tapon sa bawat karakter

- Kabilang sa naging usap-usapan ay si Xyriel Manabat matapos na maging viral ang video ng eksena niya sa serye

Viral at usap-usapan ngayon ang viral video mula sa hit teleserye ng ABS-CBN na Dirty Linen kung saan mapapanood ang kapamilya young star na si Xyriel Manabat.

Ilang netizens ang nakapansin sa nakakamanghang pag arte ni Xyriel Manabat sa maikling stint niya sa episode nitong nagdaang gabi.

Isang twitter user ang nagbahagi ng kaniyang pagkamangha kay Xyriel dahilan upang tawagin niya itong Anna Manalastas, ang karakter noon ni Xyriel mula sa megahit serye na 100 Days to Heaven.

"SHUTAINESH Ayan na si XYRIEL MANABAT nanlalamon na si Anna Manalastas.. Ang lala!! Juskolord!! #DirtyLinen #DLSabotage," ani ni @lilyganados sa twitter.

Sinang-ayunan naman ito ng marami pang twitter peeps.

As of this writing nga (halos 12hrs) ay humamig na ito ng 180k views, habang may combined 1.3M views naman ang naturang episode sa YouTube.

Napapanood ang Dirty Linen gabi-gabi sa Kapamilya Channel cable, TV5 at A2Z sa Free TV, Kapamilya Online Live at iWant TFC sa Online tuwing 9:30PM.