Dating ka-loveteam ni Francine na si Kyle, nagsalita sa tambalang Seth-Francine; Nakiusap: "Huwag po kayong..."

Dating ka-loveteam ni Francine na si Kyle, nagsalita sa tambalang Seth-Francine; Nakiusap: "Huwag po kayong..."

Dating ka-loveteam ni Francine na si Kyle, nagsalita sa tambalang Seth-Francine; Nakiusap: "Huwag po kayong..."
- May pahayag ang Kapamilya actor na si Kyle Echarri hinggil sa bagong loveteam ng ABS-CBN na 'FranSeth'

- Aniya, masaya siya sa tambalang Francine at Seth at nakiusap ito na sana'y walang magalit dahil parte ito ng kanilang trabaho

- Matatandaang bago nagkaroon ng FranSeth tandem ay naging magkatambal muna ang aktres na si Francine at kapwa Gold Squad member nito na si Kyle Echarri

“Masaya naman ako para sa kanilang dalawa."

Iyan ang naging pahayag ng Kapamilya actor na si Kyle Echarri sa dating ka-loveteam na si Francine Diaz na ngayon ay katambal na ng dati ring ka-loveteam ni Andrea Brillantes na si Seth Fedelin.

Pagkatapos maging 'officially mag-jowa' sina Andrea at Ricci Rivero ay tila sinibak na ng ABS-CBN ang tambalang SethDrea na nagpadismaya sa mga fans nito. 

Tila 'switching' naman ang nangyari sa dalawang dating loveteam dahil sa ngayon ay si Francine na ang ka-partner ni Seth at maingay na rin ang tambalang Kyle at Chie na bibida sa iWantTFC original series na 'Beach Bros' pagkatapos ng kanilang appearance sa PBB.

 Sa panayam ni Melba Llanera kay Kyle, may pahayag ito hinggil kina Francine at Seth na bibida at magtatambal sa bagong Dreamscape series na 'Dirty Linen'. 

"Kung sa tingin ng management na dapat sila ‘yung magkasama sa project, alam naman ng management kung anong ikabubuti namin.

“Matuto lang po tayo maging happy para sa kasiyahan ng iba.

“We’re all just focusing on work, more than anything. Nagtatrabaho lamang po kami, sana tanggapin niyo rin po ‘yun. Huwag po kayong magalit sa’min kasi parte po ‘yun ng trabaho namin,” sabi pa ng young actor.