Xyriel Manabat sinupalpal ang isang basher na sinabihan siya ng 'malandi'

Xyriel Manabat sinupalpal ang isang basher na sinabihan siya ng 'malandi'

Xyriel Manabat sinupalpal ang isang basher na sinabihan siya ng 'malandi'
- Hindi nagpakita ng kahinaan ang kapamilya young star na si Xyriel sa mga bashers

- Sinupalpal at sinagot niya ang isang basher na tinawag siyang 'Malandi'

- Ibinahagi niya ito sa kaniya Instagram account

Hindi pinalagpas ni Kapamilya young star na si Xyriel Manabat ang isang basher na sinabihan siya ng 'Malandi'.

Sa kaniyang Instagram account ay ibinahagi niya sa kaniya IG story ang screenshot ng naging pagsagot niya sa kaniyang basher.

"Gaano ka kapatola?," caption pa niya sa natirang IG story.

Sa screenshot ay mababasa ang pagsabi ng basher na, "Malandi n", na agad naman niyang ni reply-han ng "ay dati pa po", kaakibat ang isang smiley emoji.

Hindi lang ito ang unang beses na nanupalpal ng basher si Xyriel Manabat dahil talaga namang hindi niya ito pinalalampas, minsan na rin niyang sinagot ang ilang netizens na nagku kumento ng hindi maganda patungkol sa kaniyang dibdib.