Sharon ibinunyag na may nang-snab umano sa kaniyang young star: "Dinaan nila parang poste"

Sharon ibinunyag na may nang-snab umano sa kaniyang young star: "Dinaan nila parang poste"

Sharon ibinunyag na may nang-snab umano sa kaniyang young star: "Dinaan nila parang poste"
- Sa isang interview ay ikinuwento ni Mega Star Sharon Cuneta ang pangyayari sa pagitan nila ng ibang Young star

- Sa naturang interview ay ibinunyag nito ang umano'y pang i snab sa kaniya ng mga ito

- Hindi tuloy nito napigilang magkumpara sa nakaraang mga young stars na nakasalumha niya

Sa latest YouTube vlog ng nag-iisang Sharon Cuneta ay naka-chikahan niya ang Showbiz vlogger na si Ogie Diaz.

Sa kanilang pag-uusap ay naibahagi ni Sharon ang isa sa hindi niya makakalimutang pangyayari kasama ang mga baguhang artista ngayon sa showbiz mula sa pagbabahagi niya ng kaganapan sa nakaraang era nila.

“Tayong old school, kaming mga nagsimula nung araw pa, ‘pag merong senior sa aming artista kahit ‘di kami kilala, lalapitan namin—’Magandang hapon po. Ako po si Sharon, bago po akong singer,” kwento nito. “Kasi nasa-star struck ka rin, pero paggalang ‘yon.”

At dito nga ay naibahagi na niya ang karanasan niya sa ilang young stars na animo'y dinaanan lamang siya na parang poste.

“Meron kasing nakakalungkot—minsan nasasalubong namin noon sa [ABS-CBN] corridor. Pagdaan [nila] feeling ko, ‘Kamag-anak kaya ni boss Gabby ‘yon?'” ani nito na pinatutungkulan si former ABS-CBN Chairman Gabby Lopez. “Parang Lopez kung umarte, daig pa ‘yung mga Lopez. Si Don (Geny) nga bumabati kahit sa janitor.”

“‘Yung mga bata ngayon, makasalubong mo lang face to face, parang [‘yung] dinaanan nila poste lang. Hindi naman ako nag-eexpect ng anything, just a little (smile and nod). ‘Yung parang kahit walang hello, smile lang," kwento pa niya.

Nang tanungin naman ni Ogie kung sino ba ang pinatutungkulan niyang batang artista ay hindi na niya ito pinangalanan pa, “Marami over the years—totoo.”

“Minsan talaga ang feeling ko tuloy, ‘Pader ba ako? Pumayat na ako ‘di ba?'” natatawang sabi nito. 

“Kasi kami nga, hindi gano’n. Do I look like a wall? I have already lost weight, right?” Because we do not act like that.)," dagdag pa nito.

Panoorin ang kabuuan ng usapan dito: