Ogie Diaz, ibinuking ang naging reaskyon ni Liza sa balitang hiwalay na sila ni Enrique: "Ano ba 'yan..."

Ogie Diaz, ibinuking ang naging reaskyon ni Liza sa balitang hiwalay na sila ni Enrique: "Ano ba 'yan..."

Ogie Diaz, ibinuking ang naging reaskyon ni Liza sa balitang hiwalay na sila ni Enrique: "Ano ba 'yan..."


 - Trending ang LizQuen kamakailan dahil isa sila sa mga itinuturong love teams na 'di umano'y naghiwalay na base sa isang viral blind item

- Pinabulaanan naman ni Ogie Diaz ang balitang ito at napag-usapan pa sa YouTube Channel niya sa kanyang 'Showbiz Update' vlog

- Ibinahagi naman ng showbiz manager ang naging reaksyon ni Liza nang malamang bali-balitang naghiwalay na sila ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil

Nilinaw muli ni Ogie Diaz ang mga tsismis na nagsasabing naghiwalay na ang kanyang alagang si Liza Soberano at Enrique Gil sa kanyang panibagong 'Showbiz Update' sa kanyang YouTube Channel.

Ito ay pagkatapos pumutok ang isang blind item na ibinibidang may isang malaking love team umanong naghiwalay na na nauna namang itinutok sa KathNiel.

Sa kanyang vlog, dito mas ikinuwento ni Ogie ang kanyang nalalaman sa relasyon ng LizQuen.

"Ngayon po, kung tungkol sa LizQuen na tinatanong niyo sa akin, nag-DM kayo at nag-PM pa kayo sakin kung totoong hiwalay na, hindi po hiwalay ang LizQuen. Hiwalay lamang po sila ng bansa na pinuntahan.

"Si Enrique sa Spain, sa kanyang mga kaanak, kasama ang kanyang mommy at kapatid. Si Liza naman kasama ang kanyang bagong management group sa Hollywood sa pangunguna ni James Reid," pagbabahagi pa ni Ogie.

Sinabi rin niya ang naging reaksyon ni Liza sa balitang hiwalay na sila ni Quen, "Si Liza, nung nakarating sa kanya 'to, tawa siya ng tawa kasi tinanong siya ni Tita Joni, ang kanyang tita, kung sila pa rin ba ni Quen. Oo naman, jusko, sabi nga ni Liza, 'Ano ba yan, si Quen pa nga susundo sakin sa airport.' Sa kanyang pagbabalik dito from Hollywood." 

Nilinaw din niyang may tiwala naman si Enrique kay James Reid ngayong nasa LA si Liza na hawak ng management team nito.

"Si Enrique ay nagtiwala kay Liza nung siya ay tumungo sa Hollywood, ganun din ang tiwala ni Enrique kay James Reid at sa management team nito na aalagaan nila si Liza pagdating sa Hollywood, sa LA, na nangyari naman."