"Bastos kayo": Erik Matti, tinawag na bastos si John Arcilla, ang ABS-CBN at Star Magic matapos di banggitin ang title ng pelikula nya

"Bastos kayo".

Ito ang maanghang na banat ng beteranong film director na si Erik Matti kay #DirtyLinen star John Arcilla, sa ABS-CBN Corporation at sa talent arm nito na Star Magic. 

Ito ay matapos makakuha ng isang pagkilala sa Senado si Arcilla matapos nyang mapanalunan ang "Volpi Cup" award sa Venice Film Festival noong isang taon para sa pelikulang "On The Job: The Missing 8"

Ang kapwa aktor ni Arcilla na si #FPJsBatangQuiapo star Sen. Lito Lapid ang promotor ng naturang resolusyon sa Senado.

Sa kanyang social media account, tinawag na "bastos" ni Matti sila Arcilla, ang pamunuan ng ABS-CBN at Star Magic matapos bigo nito na banggitin ang pangalan ng pelikula ni Matti.

Sa kasalukuyan, in-edit na nila Arcilla at Star Magic ang naturang post kung saan sinama na ang title ng pelikula.

"Medyo in-expect ko na yun sa ABS na di mag-mention kasi nung may prangkisa pa sila, ganyan na sila eh. Pag di pabor sa kanila, dedma", mga salitang binitawan ni Matti.

Wala pang sagot ang pamunuan ng Kapamilya Network at si Arcilla mismo ukol sa maaanghang na salitang binitawan ni Matti.