Bianca Lapus hustisya ang nais sa nangyayari ngayon sa ex-husband na si Vhong Navarro

Bianca Lapus hustisya ang nais sa nangyayari ngayon sa ex-husband na si Vhong Navarro

Bianca Lapus hustisya ang nais sa nangyayari ngayon sa ex-husband na si Vhong Navarro
- Sa kaniyang twitter account ay naglabas ng saloobin si Bianca Lapus kaugnay ng nangyayari kay Vhong Navarro

- Kamakailan lamang ay inilipat na ng Taguig City Jail si Vhong mula sa NBU Detention Center

- Buo ang suporta ni Buanca sa ex-husband na si Vhong kahit pa hiwalay na sila

Hustisya ang isinisigaw ng ex-wife ni Vhong Navarro na si Bianca Lapus sa gitna ng nangyayari sa It's Showtime host ngayon.

Kamakailan lamang kasi ay inilipat na ma sa NBI Detention Center si Vhong Navarro patungo sa Taguig City Jail, kaugnay pa rin ito sa kasong isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo.

"HUSTISYA!!! ASAN KA?!," tweet ni Bianca Lapus matapos ang paglipat ni Vhong sa Taguig.

Matatandaang nauna ng ipinagtanggol ni Bianca si Vhong Navarro nitong Agosto at pinatutunayan nito ang pagiging mabait ng aktor.

Bukod pa rito ay naging sunod sunod ang pagbabahagi niya ng mga artcards kung saan ipinatutungkol niya kay Vhong Navarro.

Nagbahagi siya ng quotes mula sa bible kaakibat ang caption niya na 'For Vhong'.

"The worst form of injustice is pretended justice," isang artcards pa ang ibinahagi niya.

At isa pa muli kung saan nakasulat na, "Law without justice is a wound without a cure".