Vhong Navarro labis ang pagpayat!, Cristy Fermin nanalanging makapag-piyansa na ito

Vhong Navarro labis ang pagpayat!, Cristy Fermin nanalanging makapag-piyansa na ito

Vhong Navarro labis ang pagpayat!, Cristy Fermin nanalanging makapag-piyansa na ito
- Sa kaniyang radio program ay naglabas ng saloobin ang kolumnistang si Cristy Fermin kaugnay ng kinakaharap na kasi ni Vhong Navarro

- Pinuna nito ang labis na kapayatan ng Aktor dahil na rin sa ilang buwang pagkakakulong

- Ipinananalangin din nito na nawa'y mapagbigyan na siyang mag piyansa

Sa kaniyang radio program ay nagbahagi ng kaniyang saloobin ang kolumnistang si Cristy Fermin kaugnay sa latest development ng kaso ni Vhong Navarro.

Kamakailan lamang kasi ay inilipat na si Vhong Navarro sa Taguig City Jail mula sa NBI Detention Center kaugnay ng kasong isinampa sa kaniya ni Deniece Cornejo.

"Napakapayat. Pumayat at saka ano talaga, nakakalungkot. Hindi naman siya siguro maaaring masaktan doon (Taguig City jail) dahil ayon nga sa mga nakausap naman ng kanyang mga abogado ay mahigpit doon lalo na ang warden, mahigpit talaga," pagkukwento ni Cristy matapos na makita ang mga larawan ni Vhong.

“Kaya nga lang po sabi nga namin, kahit sa ano man pong paraan, ang pagkakulong ay pagkakulong,” dagdag pa niya.

Samantala nanawagan naman siya sa mga tagahanga ni Vhong na ipanalangin ang aktor na mabigyan na ng piyansa upang pansamantalang makalaya habang dinidinig ang kasong isinampa sa kaniya.

"Ipinalangin na lang natin na sana'y mabigyan na siya ng piyansa. Baka ang kasunod na nito ay ang pagbibigay ng piyansa sa kanya dahil nandoon na siya sa pinag-ugatan ng kaso,” sabi ni Fermin.