Vice sa pangarap na magkaroon ng anak: 'Hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa'

Vice sa pangarap na magkaroon ng anak: 'Hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa'

Vice sa pangarap na magkaroon ng anak: 'Hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa'
Naging bukas ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa beteranang aktres na si Maricel Soriano tungkol sa pangarap niyang magkaroon ng anak.

Sa question and answer session ng Youtube vlog ng Diamond Star, ipinagtapat ni Vice na itinuturing niyang malaking factor ang kanyang edad sa pagpaplano sa pagkakaroon ng anak.

“Kung gusto kong magkaanak? Yes, gusto kong magkaanak. Hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa," saad ni Vice.

“Actually nagko-compute din ako. ‘Maaalagaan ko pa ba ito ‘pag ganitong edad? Pag nag-debut siya, ilang taon ako no’n? Makaka-attend pa ba ako ng big party niya? Maisasayaw ko pa ba siya?’ — iniisip ko rin ‘yung mga gano’n,” pag-amin niya.

Sa kanilang tsikahan, ikinuwento rin ni Vice ang tungkol sa kanyang partner na si Ion Perez at ang kanilang naging wedding commitment ceremony sa Las Vegas noong nakaraang taon. 

Ayon kay Vice, isa iyon sa pinakahihintay na sandali sa kanyang buhay.

“Nung na-meet ko si Ion, I realized that I was so blessed because I finally found that one person that I both want and need. I want him to be in my life, and I need him to be in my life,” kwento ng 46-year-old comedian.

Nitong nakaraan lamang ay pinabulaanan ni Vice ang mga tsismis na hiwalay na sila ni Ion, at sinabing nagpasya silang magkaroon ng oras na pansamantalang malayo sa isa't isa para mapanatili ang balanse sa kanilang relasyon.