Vicki Belo sa nanggaya sa kanya sa 'Drag Race PH': "I don't know whether to be angry or..."

Vicki Belo sa nanggaya sa kanya sa 'Drag Race PH': "I don't know whether to be angry or..."

Vicki Belo sa nanggaya sa kanya sa 'Drag Race PH': "I don't know whether to be angry or..."


 - Ginaya ng Drag Race Philippines contestant na si Xilhouete ang celebrity doctor na si Vicki Belo para sa "Snatch Game" episode ng show

- Viral ang kanyang impersonation online at umabot na nga ito kay Dra. Vicki Belo na may munting mensahe para sa kanya

- Nagpost naman si Belo ng kanyang reaction video kay Xilhouete sa Instagram at napa-comment din ang host ng nasabing show

Agaw-pansin ang performance ng 'Drag Race Queen' na si Xilhouete sa impersonation nito kay Vicki Belo noong September 14 para sa 'Snatch Game' episode ng show.

Viral online ang kanyang impersonation kaya naman umabot agad ito sa doktora at ni-react-an ang panggagaya nito sa kanya.

Isa sa mga rules ng challenge ay ang patawanin ang mga judges sa pagsagot sa mga tanong ng host nitong si Paolo Ballesteros.

Pa-wittyhan at pa-bonggahan ng pagsagot ang mga contestant lalo na si Xilhouete na siyang ginaya si Vicki Belo.

Dahil super funny ang kanyang pagganap bilang ang celebrity doctor, umani siya ng 'Ru Badge' at nanalo sa challenge.

Nagbahagi naman ang tunay na Vicki Belo sa kanyang Instagram account ng mabilis na clip ni Xilhouete at ng kanyang naging reaksyon.

“Ang funny, right? [laughing emoji] congrats Xilhouete on your ru badge and so glad it was with me,” caption nito.

“Okay, guys, that was really funny. I don’t know whether to be angry or flattered. But I will choose flattered because I know you have to be famous to be impersonated. Congratulations, Xilhouete, for winning and for impersonating me very well," pahayag niya sa Drag Race contestant.

“By the way, guys, I can move, ha?” dagdag pa nito sabay kindat.