Neri, kinilabutan kina Moira at Ogie: "Mag-iipon na ko pambili ng grand piano"

Neri, kinilabutan kina Moira at Ogie: "Mag-iipon na ko pambili ng grand piano"

Neri, kinilabutan kina Moira at Ogie: "Mag-iipon na ko pambili ng grand piano"
  
Hangang-hanga ang misis ni Idol Philippines season 2 judge Chito Miranda na si Neri kina Moira at Ogie Alcasid matapos nitong masaksihan ang pagbuo ng kanta ng mga kilalang mang-aawit.

"Yung bigla na lang may nabuong kanta si Moira habang pinaglalaruan ang piano nila Sir Ogie tapos tumabi si Sir Ogie at sinabayan niya si Moira na akala mo alam na niya yung song... grabeeee! Mga henyo!" ani ni Neri sa kanyang Instagram post.

Kinilabutan umano ang dating aktres sa kanyang nasaksihan na pagkabuo ng bagong kanta ni Moira na kilala sa kanyang mga 'mapanakit' na mga awitin.

"Nakakakilabot at na-witness ko ang pagbuo ng bagong kanta ni @moiradelatorre kagabi. Ang sakit sakit. Nakakapangilabot. Ang ganda ganda. Tagos sa puso. Na LSS na nga ako, haha! Saka ko na post yung BTS video kapag narelease na niya."

Ikinuwento rin ni Neri kung paano tinulungan ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid na lalo pang mapaganda ang nasabing kanta.

"Tapos iba si Sir Ogie Alcasid. HUSAY!!!! Ang galing galing!! Naririnig nya lang si Moira na may kinakapang notes sa piano, sabi nya lang, "May I?" Tapos bigla na lang tumugtog na as if sya composer tapos ang ganda ganda! Mas lalong pinaganda yung song ni Moira, mas lalong ramdam mo yung sakit," kwento ni Neri.

"Sabi ni Ms Regine, hindi raw nag aral mag-piano si Sir Ogie. Ang husay grabe!! Ang galing galing!" dagdag pa niya.

Sa dulo ng kanyang post ay sinabi nitong pag-iipunan niyang makabili ng grand piano at nagbirong "magpi-feeling" at "mag emote-emote" na kunwari ay maganda rin ang kanyang bose.