Juliana Parizcova, makukulong na? Sasampahan ng kaso ni Vince Tañada

Juliana Parizcova, makukulong na? Sasampahan ng kaso ni Vince Tañada

Juliana Parizcova, makukulong na? Sasampahan ng kaso ni Vince Tañada


 - Pakakasuhan ng 'Katips' director na si Vince Tañada ang kontrobersyal na 'Miss Q&A' winner na si Juliana Parizcova dahil sa mga libelous posts umano nito

- Matatandaang tila kinukuwestiyon ni Juliana ang mga parangal na nakuha ng 'Katips' sa nagdaang 70th FAMAS Awards

- Dahil dito, inamin ni Vince na hindi niya gusto ang mga satsat ni Juliana sa pagiging bitter nito sa mga awards ng 'Katips'

Mukhang bilang nalang sa daliri ang mga masasayang araw ni Juliana Parizcova Segovia dahil may nag-aabang sa kanyang kaso mula sa direktor ng tinitira at binabash niyang pelikula.

Kilala ang 'Miss Q&A' season 1 winner na si Juliana Parizcova sa pagiging Marcos loyalist niya kaya naman puro talak ito sa kalabang pelikula ng Marcos-centered movie na 'Maid in Malacañang'.

Ito ang 'Katips' na idinirek ng award-winning director na si Vince Tañada na proud sa kanyang obra dahil wala itong halong historical revisionism o 'di kaya'y pekeng istorya. 

Matatandaan ring may controversial post si Juliana na tinitira ang mga awards na nasungkit ng Katips sa nagdaang 70th FAMAS Awards.

"Babatiin ko na sana yung humakot daw ng awards sa FAMAS at pelikulang pa-victim na kunwari tinatapangan para itapat sa Maid in Malacañang, kaso andaming resibo. Sige na nga… Congrats Haahahaha!” hirit ni Juliana.

Sinabi rin nitong malapit si Vince sa mga taga-FAMAS dahil naging direktor ito ng FAMAS noong nakaraang taon.

Sa panayam naman kay Vince sa DZRH, diniin niyang hindi niya nagustuhan ang mga pinagsasabi ni Juliana sa Katips at naghahanda na ito sa pagsasampa ng kaso.

“Sana naman po, huwag po tayong mamihasa na hindi totoo lagi yung mga binabalita.

“Kasi, iyan na po tayo nagiging kultura na po tayo ng fake news. Lalung-lalo na po yung mga nagpapakalat ay meron na po talagang imahe na puro peke ang mga ikinakalat na mga balita. Sana po, magkaroon na po ng aral yung mga nagpapakalat na ‘yan.

“In fact, nakikipag-usap na po ako ngayon sa aking… kasi alam niyo naman po na ako ay abogado din. At ang sabi ng aking mga partner dito sa aking law firm, yung ipinalabas na post nitong dating nanalo sa Ms. Q&A na si Juliana ay totoong libelous, ano,” pahayag ni direk Vince.

Puro banat naman si Juliana sa Katips kahit na hindi naman ito parte ng Maid in Malacañang, dagdag pa ni Vince.

“Talagang ito ay may malicious imputation para makapanira, na hindi naman talaga maganda, ‘no? Dahil ang libel ay isang krimen na dapat parusahan.

“Itong si Juliana ay nagtataka ako, wala naman siyang… hindi naman siya kasali sa pelikulang Maid in Malacañang, pero nakikialam siya at nagsasalita sa mga ganitong bagay," dugtong pa niya.