Vanessa, hindi anak ni Jeric? Ogie Diaz, may ibinuking: "Sinabi ni Jeric na..."

Vanessa, hindi anak ni Jeric? Ogie Diaz, may ibinuking: "Sinabi ni Jeric na..."

Vanessa, hindi anak ni Jeric? Ogie Diaz, may ibinuking: "Sinabi ni Jeric na..."


 - May ibinuking si Ogie Diaz hinggil kay Vanessa Raval na inamin pa sa kanya ni Jeric Raval

- Nabanggit din niya na kung gusto lang mag-showbiz ni Vanessa ay hindi maniniwala sa kanya ang mga tao sa tuwing gagawa ng pahayag

- Kasunod ito ng isyu niya na 'scripted' lang pala upang matuon sa kanya ang publiko at makalimutan ang balitang 'di umano'y buntis si AJ Raval

May chika sa bagong YouTube channel na "Showbiz Update" ang showbiz insider na si Ogie Diaz patungkol naman kay Vanessa Raval, ang kamakailang nag-viral dahil sa 'scripted' na issue.

Matatandaang gumawa ng pahayag si AJ Raval hinggil sa isyu ni Vanessa na walang koneksyon ang isyung ito sa kanya at itinangging 'close' sila ni Vanessa.

Kamakailan rin ay inilabas ni Vanessa na kaya lang naman siya gumawa ng isyu ay upang matuon sa kanya ang publiko at makalimutan na ang mga tsismis na buntis ang kanyang kapatid na si AJ.

Ito naman ang nilinaw ni Ogie sa kanyang vlog, na hindi anak ni Jeric Raval si Vanessa salungat sa akala ng mga netizens.

“Sinabi ni Jeric na hindi niya anak si Vanessa Raval. Si Vanessa ay anak ng pinsang buo niya na nakikitatay-tatay Eric na rin sa kanya. Sabi ko kay Jeric, ‘pero kamukha mo, ah.’  Oo pero hindi ko siya anak (sabi ng aktor). Hindi ko itatanggi kung anak ko ‘no? 18 nga ang anak ko hindi ko naman itinanggi,” ang chika nito.

May comment din si Ogie kay Vanessa sa kung gusto lang nitong makapasok ng mundo ng showbiz kaya nag-iingay online.

“Day kung gusto mong pumasok sa aming industriya diyan ka nila (publiko) unang nakilala na nagsinungaling ka gumawa ka ng script kaya everytime na magsasalita ka ay magduda na ang mga tao at hindi na sila maniniwala sa ‘yo,” hirit nito.

“Maniniwala lang sila (publiko) sa ‘yo na marami kang tattoo sa katawan," aniya pa.