Lolit Solis, handang magpatama ng bala para kay Sen. Bong Revilla?

Lolit Solis, handang magpatama ng bala para kay Sen. Bong Revilla?

Lolit Solis, handang magpatama ng bala para kay Sen. Bong Revilla?


 - Handa umanong sasaluhin ni Lolit Solis ang 'bala' para kay Bong Revilla dahil sa ginawa nitong ikinagulat niya

- Nagulat kasi siya dahil noong magbabayad na siya ng hospital bills, binayaran na pala ito ng senador at sinabi pang hindi sayang ang pagmamahal nito sa kanya

- Matatandaang naospital ang kilalang manunulat dahil nabalitang hindi ito makahinga ng maayos at nagbiro pang dahil ito kay Bea Alonzo

Ipagtatanggol ng sikat na showbiz columnist na si Lolit Solis ang senador na si Bong Revilla hanggang sa kabilang buhay dahil sa ginawa nitong kabutihan sa kanya habang siya'y nasa ospital.

Na-confine si Lolit nito lamang July 17 dahil sa kanyang karamdamang hindi siya makahinga at nagawa pang magbiro na dahil ito kay Bea Alonzo na 'di umano'y ipinakulam na siya ng Kapuso actress.

Madalas kasing tirahin ni Lolit si Bea dahil sa ugali nito at inaasar pa sa naging love life niya kay Gerald Anderson.

Sa Instagram account niya, nagbahagi siya ng picture kung saan kasama niya si Sen. Bong na may caption pang kasama.

"Talagang I will take a bullet for Bong Revilla Salve at Gorgy. Nakita ko sa kanya iyon sincere na concern sa kalagayan ko. Iyon talagang kung meron lang siyang magagawa para gumaling ako gagawin niya talaga," panimula ni Lolit.

"Naloka ako ng babayaran ko na ang hospital bill ko at malaman bayad na lahat. Iyon pala kinausap niya ang hospital to give me all I need at bahala siya sa gastos," dagdag pa nito.