Jericho Rosales, namataan sa Davao nang walang makeup?

Jericho Rosales, namataan sa Davao nang walang makeup?

Jericho Rosales, namataan sa Davao nang walang makeup?

- Pinagkaguluhan ng ilang netizens ang picture ng isang lalaki sa Davao na sinasabing kamukhang-kamukha umano ni Jericho Rosales

- Hindi naman maikakailang pasadong maging kapatid ng aktor ang lalaki at sana raw ay magpa-DNA test ang dalawa

- Kuha ni Hyobz Perez ang litrato na ipinost niya sa Facebook at halo-halong reaksyon ng publiko ang nag-ingay online

Namataan ng isang Facebook user na si Hyobz Perez ang kalook-alike ng Kapamilya actor na si Jericho Rosales nang magpunta siya sa Monkayo, Davao de Oro.

Nang mapansin nila ang lalaking ito, nagpakuha pa sila ng picture dahil hindi maikakailang kamukhang-kamukha talaga ng lalaki ang Kapamilya star.

Ilang araw pa nang ipost niya sa Facebook ang lalaki, bigla itong nag-viral at inakala ng ilang netizens ay doppelganger o 'di kaya'y nawawalang kapatid ni Jericho ang lalaki.

Gusto nga rin ng ilan na magpasagawa ng DNA test sina Jericho kung magkapatid sila at baka ito raw ang nawawalang Kapamilya ni Jericho.
Pasadong stunt double ni Jericho ang lalaki, base pa sa komento ng mga nakakita ng post. Nagbiro rin ang ilan na baka raw si Jericho talaga ito ngunit wala lang makeup.

Sa ngayon ay wala pa namang post si Jericho rito at mukhang hindi pa nakakarating sa aktor na may kamukha siya galing pa sa Davao.