Cherie Gil pumanaw na sa edad na 59

Cherie Gil pumanaw na sa edad na 59

Cherie Gil pumanaw na sa edad na 59
- Pumanaw na ang batikang aktres na si Cherie Gil

- Naunang kinumpirma ito ng kaibigan niyang talent manager na si Annabelle Rama

- Ayon sa latest update ay malaking laban ang pinagdaanan ni Cherie Gil bago bawian ng buhay

Pumanaw na ang batikang aktres na si Cherie Gil sa edad na 59 years old, ito ang kinumpirma ng kaibigan niyang talent manager na si Annabelle Rama.

“Cherie Gil just passed away at 5pm today. Please pray for her,” post ni Annabelle sa kaniyang social media accounts.

Samantala sa latest update ng PhilStar ay pumanaw ang aktres habang nakikipaglaban sa cancer.

Wala namang inilalabas pang official statement ang kaniyang pamilya.

Matatandaang umingay ang pangalan niya nitong Pebrero lamang matapos na ibahagi niya sa lahat ang pagpapakalbo niya.

Sa kaniyang facebook accounts ay nagbahagi ng ilan pang litrato ni Cherie Gil kung saan makikita ang pagpapagaling niya laban sa sakit na cancer.