Palaboy na nag viral dahil sa 'free hug' nito sa reporter, pumanaw na

Palaboy na nag viral dahil sa 'free hug' nito sa reporter, pumanaw na

Palaboy na nag viral dahil sa 'free hug' nito sa reporter, pumanaw na
- Ibinalita ng ABS-CBN News ang pagpanaw ngayon ng nag viral na pulubi noon

- Naging usap-usapan ang pulubi matapos ang pagbibigay niya ng yakap sa isang ABS-CBN News reporter

- Matapos ang pag viral niya noon ay natagpuan niya ang kaniyang pamilya

Pumanaw na ang pulubing nag viral noon dahil sa pagyakap niya sa isa sa mga ABS-CBN News reporter sa kasagsagan ng pagbabalita nito live.

Pumanaw na nitong Sabado nang umaga ang naturang pulubi ayon mismo sa pamilya niya.

Ang pulubing nakilala na si Melanie Dubos ay nag viral nitong unang bahagi ng taon matapos niyang yakapin ang isang news reporter, dahilan upang makilala at matagpuan siya ng kaniyang pamilya kalaunan.

Ayon sa kapatid ni Melanie na si Mona, pinaalam ito sa kanila ng psychiatric hospital kung saan siya naka-confine para sa kanyang mental health treatment. 

Kinumpirma rin ni Peachy Lacabo ng Muntinlupa Social Services Department ang balita.

Matatandaang nang makita siya ng kaniyang pamilya ay dinala agad ito sa hospital upang mapagaling.

Samantala wala pang ibang detalye tungkol sa pagpanaw nito, Inaantay pa ng pamilya ang iba pang detalye tungkol sa kanyang pagkamatay.