Marjorie Barretto, isisiwalat ang tunay na dahilan kung bakit 'malamig' ang kanyang anak kay Dennis Padilla

Marjorie Barretto, isisiwalat ang tunay na dahilan kung bakit 'malamig' ang kanyang anak kay Dennis Padilla

Marjorie Barretto, isisiwalat ang tunay na dahilan kung bakit 'malamig' ang kanyang anak kay Dennis Padilla
- Nakausap umano ni Ogie Diaz si Marjorie Barretto hinggil sa tampuhan na nagaganap ngayon sa tatlo niyang anak kay Dennis Padilla

- Aniya, ikinuwento sa kanya ni Marjorie na balang araw ay magsasalita siya sa tunay na dahilan ng kanilang hidwaan ni Dennis

- Matatandaang nag-viral si Dennis Padilla dahil tila 'nakalimutan' ng kanyang mga anak na batiin siya noong Father's day

Kamakailan lang ay naglabas ng emosyon ang aktor na si Dennis Padilla sa kanyang tatlong anak kay Marjorie Barretto, sina Leon, Claudia, at Julia Barretto sa hindi nito pagbati sa kanya noong Father's day, June 19.

"You forgot to greet me last sunday..." ang kanyang komento sa kanyang mga anak na umani ng libo-libong puna at pagkaintindi sa kanya ng mga netizens.

Pati nga sina Xian Gaza, Lolit Solis, at Cristy Fermin ay nagpaabot ng kanilang komento ukol sa pagiging ama ni Dennis at sa pagsustento nito sa kanila.

Isa rin si Ogie Diaz sa ginawang paksa ang isyung ito sa kanyang recent episode ng 'Showbiz Update' sa YouTube. Nakausap umano niya si Marjorie kaugnay sa hidwaang ito.

Balang araw daw ay iku-kuwento ni Marjorie ang tunay na nangyari upang mas maunawaan pa ng publiko ang kanilang sitwasyon.

"Regarding sa issue ng tampo ni Dennis Padilla na hindi ito nabati ng kanilang mga anak, sinabi lang ni Marjorie na, 'In time' o darating din 'yung oras at panahon na magsasalita siya. Para mas maintindihan ng tao ang kanilang sitwasyon," pagbabahagi ni Ogie.

"Umaasa rin si Marjorie na poproteksyunan pa rin ni Dennis ang kanilang mga anak sa lahat ng pagkakataon," dagdag pa niya.